Monday , December 23 2024

Sports

Alab naka-isa rin

NAIGUHIT na ng Alab Pilipinas sa wakas ang una nitong panalo sa Asean Basketball League nang tupukin ang Formosa Dreamers, 78-61 sa Changhua County Stadium sa Taiwan kamakalawa. Umangat sa 1-3 ang kartada ng Alab para bigyan din ng kauna-unahang panalo si Jimmy Alapag sa propesyonal na karera bilang punong-gabay. Hindi nakapaglaro ang isang import ng Alab na si Ivan …

Read More »

Marcial PBA OIC (Narvasa, nagbitiw na sa puwesto)

NAGBITIW na sa kanyang puwesto bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association si Chito Narvasa at hahalili sa kanya bilang Officer-in-Charge o OIC Si Media Bureau chief Willie Marcial. Ito ang kagimbal-gimbal na ulat na inianunsiyo ng PBA Board of Governors kahapon sa biglaang press conference ilang minuto bago ang opening ng 43rd season ng PBA. Ayon sa board, isinumite ni Narvasa …

Read More »

60th triple double para kay James (Cavs pinaluhod ang Jazz)

ITINARAK ni LeBron James ang ika-60 niyang triple double upang pangunahan ang 109-100 panalo ng Cleveland kontra Utah Jazz sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon. Naglista ang 32-anyos na si James ng 29 puntos, 10 assists at 11 rebounds para sa Cavs na umangat sa 22-8 kartada. Bunsod nito, naungusan ni James si Larry Bird bilang ikaanim na …

Read More »

Grandslam target ng SMB

KAHIT na nagpamigay ng tatlong manlalaro sa nakaraang trade ay hindi naman siguro mararamdaman ng defending champion San Miguel Beer ang pagkawala ng mga ito sa unang bahagi ng 43rd PBA season na magsisimula sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.  Nawala sa poder ng Beermen sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid at Kevin McCarthy na napunta sa Kia Picanto kapalit ng …

Read More »

Zark’s Burgers-LPU hahataw sa D-League

SABIK na si reigning NCAA Most Valuable Player, (MVP) Jaymar “CJ” Perez na maglaro  sa mas malakas na liga matapos magkombayn ang Zarks Burgers at Lyceum of the Philippines para lumahok sa  PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 18, 2018.  Ayon kay Perez malaking bagay ang paglaro nila sa D-League dahil mas mag-uumento ang kanilang laro at marami silang matututunan …

Read More »

Alibi ni Rigondeaux ‘di kinagat ni Lomachenko

MINALIIT NI Vasyl Lomachenko ang dahilan ni Guillermo Rigondeaux na napilay ang kaliwa nitong kamay kung kaya sumuko siya sa laban sa 7th round noong Linggo sa bakbakan nila para sa WBO super featherweight championship na ginanap sa The Theater sa Madison Square Garden.  Kategorikal na sinabi ni Lomachenko na kung siya ang nasa kalagayan  ni Rigondeaux ay hindi siya …

Read More »

Standhardinger patuloy sa pagpapasiklab

SA ika-apat na sunod na pagkakataon, binuhat muli ni Christian Standhardinger ang kanyang koponan na Hong Kong Eastern upang mapanatiling walang bahid ang kartada sa Asean Basketball League.   Naglista ang Filipino-German na si Standhardinger ng all-around na numerong 18 puntos, 10 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks sa 81-77 panalo ng Hong Kong sa sariling homecourt ng Singapore …

Read More »

Perez, makikilatis sa D League

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

AMINADO man na mas matitikas at mas matatatag ang makahaharap sa PBA Developmental League, sabik na sabik pa rin si CJ Perez na makilatis sila pagtuntong sa naturang semi-professional na liga.   Sasalang ang Season 93 Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa kauna-unahang pagkakataon sa DLeague kasama ang kanyang mga kasangga sa Lyceum Pirates.   Nakipag-anib ang Lyceum …

Read More »

Magnolia Hotshots ibabandera sa PBA (Purefoods franchise nagpahiyang)

KINAPOS nang ilang seasons  ang Star Hotshots kaya nagpahiyang muna sila sa pangalan. Sa darating na Philippine Basketball Association, (PBA) Philippine Cup season sa susunod na buwan, ibabandera ng Purefoods franchise ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Ayon kay team ma­nager Alvin Patrimonio, tuwing magpapalit ng pangalan ang kanilang team ay nagkakampeon sila agad. “Challenge ito for the team, kasi every …

Read More »

Norwood pinarangalan (Sa 10-taon manlalaro ng PH)

BILANG pagtanaw sa kanyang 10-taon representasyon sa bandila, pinarangalan si Gabe Norwood ng Gilas Pilipinas kamakalawa matapos ang pagwawalis ng koponan sa unang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Sa pangunguna ni Coach Chot Reyes at ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas gayondin ng Presidente ng Chooks-to-Go na si Ronald Mascariñas na chief backer ng Filipinas, binigyang-pugay …

Read More »

James ejected (Sa kauna-unahang pagkakataon)

SA 1,081 salang sa regular season ng  National Basketball Association, hindi pa napapaalis sa laro si LeBron James. Ngunit natapos na ang streak na iyon nang mapatanggal niya sa kanyang ika-1082 laro at ika-1299 kung isasama ang playoffs sa kalagitnaan ng kanilang 108-97 panalo kontra Miami Heat kahapon sa umaatikabong 2017-2018 season. Sa 1:56 marka ng ikatlong kanto kung kailan lamang …

Read More »

Ginebra vs Star sa Pasko

MAGDARAOS ngayong tanghali  ng press conference ang Star Hotshots sa Ynares Arena sa Pasig  at ipaki­kilala ang mga miyembro ng koponang  lalaban sa 43rd season ng Philippine Basketball Association. Siyempre, maraming excited sa prospects ng Hotshots na siyang second  most popular team sa liga sa likod ng Barangay Ginebra.  Hindi naman lalaro ang Star sa opening day na nakatakda sa …

Read More »

Gilas dadayuhin ng Chinese Taipei (Homecourt advantage!)

NAKASANDAL sa pambihirang homecourt advantage, tatangkaing dumalawang sunod na panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa dayong Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayon sa inaasahang aapaw na Smart Araneta Coliseum. Magsisimula ang aksiyon 7:00 ng gabi para subukan ng pambato ng Filipinas na maisukbit ang 2-0 kartada upang masolo ang unahan ng Pool B ng Asian …

Read More »

Jose kasado na sa max deal sa Blackwater

MULA sa pagiging simpleng manlalaro sa kalye ng Cebu hanggang sa Morayta sa Maynila, ngayon ay milyonaryo na at nasa taluktok na liga sa Filipinas ngayon. Iyan ang mapagkumbabang kuwento ng buhay basketbol ni Raymar Jose matapos ang nakatakdang pagpirma niya sa tumataginting na rookie max deal na P8.5 milyon sa Blackwater Elite. Kinuha ng Elite ang 6’5 na si …

Read More »

Gilas, tusta sa Alab

TINUSTA ng Alab Pilipinas ang pambansang koponan na Gilas Pilipinas sa ginanap na tune-up match, 81-76 sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City kamakalawa. Ito ay bahagi ng paghahanda ng parehong koponan sa nalalapit na torneo na kanilang sasalihan. Ang Alab Pilipinas ay pambato ng bansa sa Asean Basketball League. At kahit hindi naglaro ang dating PBA import na si …

Read More »

Calvelo tutok sa 2 Int’L Open Chess

NAKATUTOK si Jelvis Arandela Calvelo, ang country’s hottest non-master player sa dalawang International Tournament bago matapos ang taong ito. Ating magugunita na si Calvelo na tubong Dasmarinas, Cavite ay nakakolekta ng 7.0 puntos mula sa anim na panalo at dalawang tabla para tumapos na malinis ang kanyang kartada sa siyam na laro at makopo ang 3rd overall sa 2017 Canadian …

Read More »

3rd W kinarga ng Cargo Movers

TINULDUKAN ng F2 Logistics Cargo Movers ang two-game winning streak ng Cocolife Asset Managers matapos hatawin ang 26-24, 25-21, 25-21, panalo sa Chooks-to-Go Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan. Nanatiling malinis ang Cargo Mover sa tatlong laro, solo nila ang second spot habang nasa unahan ng team standings ang defending champion Foton …

Read More »

Red Lions namumuro sa NCAA title

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

KINALAWIT ng defending champion San Beda College Red Lions ang Game 1 ng 93rd NCAA basketball tournament Finals matapos nilang ilita ang 94-87 win laban sa Lyceum of the Philippines Pirates sa Smart-Araneta Coliseum. Humugot ng lakas ang Red Lions kina Donald Tankoua at Robert Bolick sa fourth period upang mamuro sa pagsilo ng back-to-back titles. ‘Hindi pa tapos ang …

Read More »

Herndon, Capacio pasok sa Star Hotshots line-up

DALAWANG manlalaro lang ang maidadagdag ni coach Chito Victolero sa Star Hotshots paopasok sa 43rd season PBA na magsisimuka sa Disyembre 17. Ito’y sina Robbie Herndon at Gwyne Capacio na kapwa rookies. Hindi naman malalaki ag mga players na ito na pawang guwardiya, Pero kuntento si Victolero sa nakuha niya. Si Herndon ay hindi naman napili ng Star. Siya ay …

Read More »

Congrats sa MARHO

Metropolitan Association of Race Horse Owners MARHO

NAGING masaya at kapana-panabik ang karamihan sa naganap na pakarera ng MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) para sa taong ito sa karerahan ng Santa Ana Park, na kahit pa may kanipisan ang ilan ay nakapanood naman ang Bayang Karerista ng mga kalidad na mananakbo sa kasalukuyan. Kaya sa pagkakataong ito ay nais kong batiin ang MARHO sa kanilang …

Read More »

Pagdiriwang ng MARHO magsisimula na

Metropolitan Association of Race Horse Owners MARHO

IPADIRIWANG simula na ngayong araw at bukas ang mga pakarerang ng MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners) sa taong ito na idaraos sa karerahan ng Santa Ana Park, maliban diyan ay may iba pang malalaking pakarera na kabahagi sa MARHO ang tanggapan ng PHILRACOM (Philippine Racing Commission) para sa Rating Based Handicapping System (RBHS). Ngayong hapon ay bibitawan ang …

Read More »

UCBL may naiambag na sa PBA

Jon Jon Gabriel Universities and Colleges Basketball League UCBL PBA

NASA ikalawang season pa lamang ang Universities and Colleges Basketball League (UCBL) pero may naiambag na ang batang ligang ito sa Philippine Basketball Association (PBA). Noong nakaraang linggo  sa taunang rookie Draft na ginanap sa Robinson’s Place Manila ay ginulat ng TNT Katropa ang lahat nang piliin nito sa first round si Jon Jon Gabriel. Bale 11th pick overall si …

Read More »

GSW sumalo sa tuktok ng WC

GSW goldenstate warriors curry thompson iguodala durant green NBA

NILISTA ng defending champion Golden State Warriors ang three-game winning streak matapos kalusin ang mahinang Denver Nuggets, 127-108 kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) regular season. Sinamantala nina Kevin Durant at Stephen Curry ang mahinang depensa ng Nuggets kaya nag-piyesta ang dalawa sa opensa dahil para ilista ang 7-3 karta at saluhan sa tuktok ng Western Conference ang Houston …

Read More »

Reaksiyon kay Toper Garganta

IBA’T-IBANG reaksiyon ng mga karerista ang ating narinig hinggil sa pagkatalo ng kabayong si You Are The One na sinakyan ni Toper Garganta, maging sa mga kilalang grupo ng mga karerista sa social media ay umani rin ng batikos ang nasabing hinete at may iba naman na intindido ang nangyari. Nabigyan ng 72-araw na suspensiyon si Toper sa karerang iyan. …

Read More »

Red Lions mapapalaban sa Stags

Robert Bolick Clint Doliguez JB Bahio San Beda Red Lions San Sebastian Stags NCAA

SASABAK na bukas sa matinding pagsubok ang defending champion San Beda College Red Lions sa 93rd NCAA basketball tournament. Inupuan ang No. 2 spot ng Red Lions tangan ang 16-2 karta pagkatapos ng 18-game elimination round kaya nakalsuhan ang 11 taong pagiging top seed sa nasabing liga. Nabigo ang Mendiola-based squad San Beda sa Lyceum of the Philippines matapos walisin …

Read More »