Wednesday , July 6 2022
Chess

NM Cu kampeon  sa national age-group chess tourney

UMANGAT sa laban si  National Master Ivan Travis Cu ng San Juan City sa  katatapos na Open 14-under division ng 2022 National Age Group Chess Championship Semifinals virtually na ginanap sa Tornelo Platform nung Linggo.

Si Cu, 13,  incoming Grade 8 pupil ng Xavier School ay tumapos ng walang talo  sa  pitong laro  na may total output na 6.5 points mula sa  6 wins at 1 draw para makopo ang korona sa 2-day event (Mayo 28 at 29, 2022) na ipinatupad ang 15 minutes + 10 seconds increment time control format.

Kabilang sa mga tinalo ni Cu ay sina Jian Carlo Rivera sa second round, Nathan Jon Anarna sa third round, Jaymiel Piel sa fourth round, Gladimir Chester Romero sa fifth round, National Master Gian Christian Karlo Arca sa sixth round at Tyrhhone James Tabernilla sa seventh at final round.

Tabla siya kay Gabriel Ryan Paradero sa first round.

“Congratulations to NM Ivan Travis Cu, for topping the Under-14 Open Division of the ASEAN Age Group Chess Championship Zone 3.3. This comes right after his Gold medal performance in  board 1 of the Asian Nations Cup Online U14 Chess Team Championship,”   sabi ni proud father Mr. Teddy Cu.

-Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Celia H Kiram PSC Rise Up Shape UP

 ‘Laro’t Saya sa Parke’ pinalawak ng PSC

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa …

Kai Sotto

Kai Sotto ‘di  maglalaro sa FIBA Asia Cup

KINUMPIRMA ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si …

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

Suntok ni Canelo walang epekto kay Golovkin

NEW YORK–Maraming katangian si Canelo Alvarez pagdating sa pakikipaglaban sa ring  pero hindi naniniwala  si …

Ronald Titong Dableo Sheerie Joy Lomibao-Beltran

GM candidate Dableo lalahok  sa WFM Lomibao-Beltran Rapid Open chess tournament

NAKATUTOK ang chess aficionados   kay Grandmaster candidate at International Master Ronald Titong Dableo sa pagtulak …

Mark Magsayo

Mark Magsayo may kahinaan na dapat ayusin

NAGPAPAALALA si boxing trainer Nonito Donaire Sr.  kay  WBC world featherweight champion Mark Magsayo na …