Saturday , July 2 2022
Chess

Jayag, Molinyawe kampeon sa Marinduque Rapid Chess tourney

PINAGHARIAN nina John Meneses Jayag at Cleiford Kortchnoi Molinyawe ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na Boac Knight Club Rapid Chess Tournament nung Sabado  na ginanap sa Boac, Marinduque.

Si Jayag, 12,  na Grade 6 student sa lupac Elementary School ang  nagkampeon sa Kiddies event habang ang 12-year old Molinyawe na 1st year high school student sa Colegio de San Juan de Letran- Calamba na tubong Gasan, Marinduque, ang nanguna naman sa Open category.

Tumapos si Jayag sa five-round rapid competition ng perfect five wins angat kay Lanz Monteras na nagkasya sa second na may 4.0 points.

Nagkamada naman sina John Lamboloto at Limuel Jalimbawa ng tig 3.5 points para tumapos sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod base sa kanilang total tie break points.

Ang fifth hanggang tenth placers na sina Vejay Fedalino, Joseph Jalos, Wendy Bustamante, John Carlo Baldovino, Johann Eclipse at Vincent Tarrega ay pare-parehong  nakapagtipon  ng tig 3.0 points.

Samantala,  nagpakitang gilas si Molinyawe sa 5-round Swiss system competition sa Open category na may perfect 5.0 points. Nakabuntot naman sa kanya si Vincent Manalo na may 4 puntos  para sa second place.  Naungusan niya  tie break points sina fellow 4.0 pointers Aldrin Nazareno,  Jesro Sapungan, Timothy Fiedalan, John Mark Frias at Mark Legaspi.

Ang 1st Boac Chess Tournament ay inorganisa ng Boac Knight Chess Club, Inc. sa gabay ni President at Founder Engr. Lauro Bautista at Rona Bautista. Ang Tournament Director ay si AGM Dr. Fred Paez habang ang Chief Arbiter ay si NA Gener Vitto.

Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Check Also

Conor McGregor Floyd Mayweather

Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang

LALABAN muli sa UFC  si Conor McGregor sa  pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng …

Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

Gilas  reresbak sa New Zealand

DUMATING na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas nung Martes ng hapon para sa magiging …

Jeron Artest Ron Artest

Anak ni ex-NBA star Artest interesadong maglaro sa Gilas

MANILA, Philippines — Sinabi ni NBA champion Metta Sandiford-Artest, dating kilala sa pangalang Ron Artest …

chess

Llavanes, Mayor magtatangka sa top honor sa Bicol Online Grandprix Chess Tournament

MANILA–Magtatangka sina National Master Ronald Llavanes at Dr. Jenny Mayor kasama sina Jeffrey Vegas, Jesurie …

Chess

Chess player bida rin sa kanyang obra maestra

MANILA–Nakikilala na sa mundo ng sining ng  pagpipinta ang chess player na si Bb. Jennie …