Monday , March 30 2026

News

PSC binuksan nominasyon para sa 5th batch ng Hall of Fame; Deadline: 15 Marso 2026 

PSC Philippine Sports Commission Hall of Fame

PANGUNGUNAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Patrick Gregorio ang paghahanap ng mga bagong madadagdag sa patuloy na lumalaking listahan ng mga alamat at natatanging Filipino sa larangan ng palakasan. Itinatag ang Philippine Sports Hall of Fame noong 1999 sa pamamagitan ng Republic Act No. 8757 na nilagdaan ng dating Pangulong Joseph E. Estrada. Ang …

Read More »

MVHOA members hiniling sa DHSUD bantayan ilulunsad na eleksiyon

MVHOA DHSUD

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga miyembro ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) upang hilingin kay Secretary Jose Ramon Aliling na magsagawa ang ahensiya ng isang halalan na sila ang mamumuno at mangunguna upang tuluyan nang makamit ang katahimikam at kapayapaan sa kanilang village. Tinangka ng grupo na makakuha ng audience …

Read More »

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

Arrest Posas Handcuff

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Liliw, lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 10 Pebrero. Sa ulat kay Acting Provincial Director P/Col. Jonar Yupio ng Laguna PPO, kinilala ang suspek na si alyas Roy, residente sa nabanggit na bayan. Lumalabas sa ulat ng Liliw MPS, …

Read More »

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

FreaK Accident LRT

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag na freak accident ang naganap sa isang LRT station sa Quezon City — patay ang biktima, isang 23-anyos estudyante ng Philippine Christian University (PCU) — na nakitang nahuhulog mula sa ikatlong palapag ng estasyon at nang lumagpak ay nasagasaan pa ng isang kotse.                 Sa …

Read More »

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P47 milyon sa lungsod ng Tarlac. Napag-alaman na sinubukan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac Provincial Field Unit at iba pang mga yunit ng pulisya na makipagtransaksiyon sa pinaghihinalaang supplier sa isang itinalagang lokasyon sa Brgy. Tibag, …

Read More »

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

Car pasalo Scam

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na sinasabing sangkot sa isang ‘assume balance scheme’ matapos ang isang boluntaryong pagsuko sa Provincial Highway Patrol Team (PHPT) Nueva Ecija Office, Burgos Avenue, Cabanatuan City sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula kay P/BGen. Hansel Marantan, direktor ng HPG, naganap ang pagbawi nang personal …

Read More »

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng baril at hinihinalang shabu sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 10 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija NEPPO, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng search warrant para sa kasong paglabag sa RA 10591 na …

Read More »

Romualdez, nanawagan ng pagkakaisa sa Lakas-CMD para isulong priority bills ng Marcos Administration

Martin Romualdez

MAYNILA — Nanawagan ngayong araw si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa mga miyembro ng Lakas-CMD na magkaisa at bilisan ang pagpasa sa mga priority bills ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Binigyang-diin ni Romualdez na ang pangunahing pokus ng partido ay gawing ganap na batas ang mga programa ng Pangulo sa pamamagitan ng disiplina at maayos na kooperasyon sa …

Read More »

Jobless na Pinoy dumami pa
Labor sector kailangan ng reporma – Cayetano

Labor Sectors Jobs

KAILANGAN ang isang agaran at mabilisang reporma sa labor sector. Ito ang tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nang maglabas ng datos ang Philippine Statistic Authority (PSA) na umakyat sa 2.26 milyong Filipino ang walang trabaho nitong Disyembre 2025 mula sa 2.25 milyon noong Nobyembre kompara noong Disyembre 2024 na nasa 1.63 milyon lamang ang naitalang walang …

Read More »

Cayetano natuwa pagbasura sa travel tax priority bill ngayong 20th Congress

TAX Cancelled

IKINATUWA ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na isinama ng Marcos administration ang kanyang panukalang pagbasura sa travel tax bilang key legislation ngayong 20th Congress. Sinabi ito ng senador matapos ianunsiyo ng Malacañang nitong 9 Pebrero 2026 na kabilang ang panukala sa mga prioridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). “This is good news for thousands of travelers as …

Read More »

Lengguwahe ‘pinalambot’
Blue Ribbon Committee report walang binago sa rekomendasyon

Senate Senado

ni NIÑO ACLAN MAS pinalambot ang lengguwaheng ginamit sa ilalabas na committee report ng Senate Blue Ribbon Committee. Ito ang kinompirma ni Committee Chairman Senador Panfilo “Ping” Lacson sa isang panayam. Ayon kay Lacson imbes “to be charged” ay preliminary investigation or further investigation ang rekomendasyon laban sa mga kasamahan nilang senador. Magugunitang sa naunang lumabas na bersiyon ng draft …

Read More »

Puganteng Ruso timbog sa Cagayan

arrest, posas, fingerprints

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang Russian national na nakatalang wanted person sa regional level sa Brgy. Centro, sa bayan ng Lal-lo, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes, 9 Pebrero. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Andre, 52 anyos, isang negosyante, residente sa Valencia, Negros Oriental. Nabatid na anim na buwan nang nakatala si alyas Andrew bilang wanted person …

Read More »

Sa Baseco, Maynila
Binatilyo todas sa saksak ng isa pang menor de edad

Swiss Knife Blood

BINAWIAN ng buhay ang isang 15-anyos binatilyo nang saksakin ng isang kapwa menor de edad sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Lunes ng gabi, 9 Pebrero. Idineklarang wala nang buhay dakong 7:20 ng gabi kamakalawa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si JCSR, estudyante, residente sa Bgry. 649, …

Read More »

Sa CALABARZON
ANTI-ILLEGAL DRUG OPS ISINULONG P2.7-M ILEGAL NA DROGA NASAMSAM

PNP PRO4 Calabarzon

CAMP BGEN VICENTE LIM — Malaki ang naging epekto ng ilegal na droga sa CALABARZON kaya naglunsad ngn maigting na operasyon ang pulisya sa buong rehiyon na humantong sa pag-aresto sa 39 indibiduwal at pagkakasamsam ng ₱2.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa loob lamang ng 24 oras — isa itong matinding pagpapakita ng seryosong kampanya ng Philippine National …

Read More »

Tirador ng mga karinderya sa Bulacan
HOLDAPER NAPERDE SA TUGIS NG PULIS

Arrest Posas Handcuff

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang tirador ng mga karinderya sa operasyong isinagawa sa bayan ng Pandi, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 9 Pebrero. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Sean Logronio, acting chief of police ng Pandi MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Mar, 45 anyos, residente sa Barangay Bagong Barrio, sa nabanggit …

Read More »

Bringing local and overseas job opportunities to the public
PGB conducts 2026 Job Fair on Ople Day

Bulacan Job Fair Ople Day

CITY OF MALOLOS — In line with the commemoration of the 99th Birth Anniversary of Gat Blas F. Ople, the Provincial Government of Bulacan (PGB) through the Provincial Public Employment Service Office (PPESO) conducted the 2026 OPLE Day Job Fair (Local and Overseas Employment) on February 3, 2026 at the Bulacan Capitol Gymnasium in this city today. A total of …

Read More »

DEPDev-DOST Partnership Aligns and Strengthens Region 1 RDI Directions

DOST DEPDev

Representatives from DEPDev RO1 led by Division Chief John F. Gagucas (second from left) and representatives from DOST RO1 led by Regional Director Teresita A. Tabaog (third from left) The Department of Economy, Planning and Development Regional Office  1 (DEPDEv RO1) held a levelling and alignment meeting with the Department of Science and Technology Regional Office 1 (DOST RO1) on February 2, 2026 at the DOST-Multi-Purpose Hall, City of San Fernando, La Union. The activity aimed to review accomplishments, harmonize efforts and ensure that the policy directions of the Regional Research, Development and Innovation …

Read More »

Bauertek Pharmaceutical Technologies and Rizal Technological University sign memorandum of agreement

Bauertek RTU

BauerTek Pharmaceutical Technologies and Rizal Technological University (RTU) formally signed a Memorandum of Agreement (MOA) for a strategic collaboration in the research and production of high-quality medicinal plants. The agreement was signed by BauerTek General Manager Mr. Richard Nixon Gomez and RTU President Dr. Ma. Eugenia M. Yangco. Witnessing the signing was former DOST Secretary Engr. Fortunato Dela Peña. Under …

Read More »

Manila Hustle 3×3 pinalakas patungo sa LA 2028 Olympics

Manila Hustle 3x3 Basketball

NAGNINGAS ang aksiyon ng mga elite women dribblers sa SM Mall of Asia Music Hall matapos maghatid ang Manila Hustle 3×3 Season 4 ng matinding laban, at malinaw na layunin, ang daan patungo sa Los Angeles 2028 Olympics. Umugong ang pangalan ng Uratex Dream ng Filipinas matapos ang nakapananabik na 18–16 panalo laban sa naghaharing kampeon na ZOOS Tokyo, bago …

Read More »

Coleman, Titus, nangibabaw sa AOSI Long Course Swimming Championships

Riannah Coleman Titus Sia AOSI Swim

HUMATAW ang mga Batang Pinoy swimmers, sa pangunguna ng pambansang junior standout na si Riannah Coleman at ng Palarong Pambansa star na si Titus Sia, laban sa malalakas na estudyanteng atleta sa Asya sa katatapos na AOSI Long Course Swimming Championships sa Assumption University Aquatic Center sa Bangkok, Thailand. Ang 13-anyos na si Coleman, sinanay ni Dax Halili, ay nagpakita …

Read More »

Batang nawala natagpuang nakalibing sa buhangin

Sand Beach

WALA nang buhay ang isang 11-anyos batang lalaki nang matagpuan nitong Lunes, 9 Pebrero, na paupong nakalibing sa buhanginan sa dalampasigan ng Brgy. Tiling, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental. Ayon kay P/Lt. Col. Norberto Barniso, hepe ng Cauayan MPS, natagpuan ang biktima ng isang residenteng napadaan sa lugar kahapon ng umaga. Ani Barniso, hindi opisyal na naiulat na …

Read More »

Buntis sa barangay bibilangin
Bangkay ng bagong silang na sanggol lumutang sa sapa

Hand Baby Dead

LUMUTANG sa isang sapa ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong LInggo, 8 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO3, napag-alaman na isang concerned citizen ang nag-ulat sa Malolos CPS sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono na isang patay na sanggol ang …

Read More »

P5-B kabang yaman nasayang sa PUV modernization – Kyumter

Kyumter Kilos Konsyumer - Komyuter

BINATIKOS ng grupong Kilos Konsyumer – Komyuter (Kyumter) ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan makaraang umabot sa halagang P 5 bilyon kaban ng bayan ang nasayang sa progama sa walong-taong implementasyon nito. Ayon kay Isagani Bogabel, tagapagsalita ng grupo, tinatayang P5 bilyon ang nalugi sa gobyerno dahil sa maling sistema ng programa. Anang grupo, nasa 20 porsiyento …

Read More »

Sa Paco, Maynila
Sunog sumiklab, 2 residente, bombero sugatan

Fire

SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang bombero habang 10 pamilya ang nawalan ng matutuluyan sa sunog na tumupok sa isang commercial-residential area sa Paco, lungsod ng Maynila, nitong Lunes ng madaling araw, 9 Pebrero. Agad dinala sa pagamutan ang bombero at dalawang residente ng nabanggit na lugar na nasugatan sa insidente. Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, …

Read More »