SINALUBONG ng protesta ng grupo ng kabataan ang unang araw ng dagdag-singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Pinangunahan ng Anakbayan ang isang lightning protest sa MRT North Avenue station dakong 12 p.m. kahapon. Lumukso ang mga militante sa ticketing barriers at nagsagawa ng sit-down protest sa istasyon. “Not only is this fare hike …
Read More »Arabiano nilamon ng dagat (Sa San Juan, La Union)
LA UNION – Patay ang isang Arabian national habang nakaligtas ang dalawa niyang kasamahan makaraan malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Urbiztondo, sa bayan ng San Juan, La Union kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Amgad Faez Abdullah Qasem, 16, taga-Riyadh, Saudi Arabia, at kasalukuyan nakatira sa # 45 D’ Apartment 9, Brookside, Baguio City. Ayon kay Senior Insp. Regelio …
Read More »2 Pinoy patay sa lumubog na cargo vessel sa Vietnam (16 missing )
KOMPIRMADONG namatay ang dalawang Filipino sa paglubog ng isang cargo vessel sa Vietnam. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, kinompirma sa kanya ng opisyal ng Vietnam Ministry of Foreign Affairs ang pagkarekober sa bangkay ng dalawang Filipino crew ng Bulk Jupiter. Una rito, inihayag ng international shipping company na Gearbulk, kabuuang 19 tripulante na pawang Filipino …
Read More »Pinoy kabilang sa 8 missing crew (Sa tumaob na barko sa Britanya)
KABILANG ang isang Filipino sa nawawalang crew ng tumaob na barko sa karagatan ng Britanya. Walo ang sakay ng Cypriot-registered Cemfjord, isang cargo ship na may kargang semento, na tumaob sa layong 15 milya sa Northeast ng Scotland. Nasa 2,000 toneladang semento ang karga ng barko mula Aalborg sa Denmark papuntang Runcorn na malapit sa Britanya. Kahapon ng umaga ay …
Read More »Air Asia Jet patungong Singapore ‘naglaho’ sa ere
IDINEKLARANG nawawala ang isang AirAsia Flight QZ8501 mula Surabaya, Indonesia at patungong Singapore nang biglang mawalan ng contact ang air traffic control. Nakatakda sanang lumapag sa Changi Airport ang nasabing AirAsia flight dakong 8 a.m. kahapon. Ang naturang eroplano ay isang Airbus 320-200. Ayon sa isang Transport Ministry official na si Hadi Mustofa, nawalan ng contact ang air traffic control …
Read More »TRO ng SC vs LRT/MRT fare hike ‘itinuro’ ng Palasyo
TANGING ang ipalalabas na temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) ang makapipigil sa Department of Transportation and Communication (DoTC) sa pagpapatupad ng taas ng pasahe sa LRT/MRT. Ayon sa Malacanang, tanging ang korte lamang ang makapagdedesisyon kaugnay sa naka-ambang fare increase. Magiging epektibo ang pagtaas ng pasahe ng LRT at MRT sa Enero 4, 2015. Ayon kay Deputy …
Read More »Hiling na tulong sa Sto. Papa ni Andrea Rosal iginagalang ng Palasyo
IGINAGALANG ng Palasyo ang pagpaparating ng saloobin ni Andrea Rosal kay Pope Francis, ngunit hukuman ang magpapasya sa hirit niyang makalaya. “Nasa ilalim ng hurisdiksyon ng hukuman ang pagkapiit kay Binibining Andrea Rosal. Iginagalang namin ang pagpapahayag ng kanyang saloobin at pagpaparating nito sa mahal na Santo Papa,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Si Andrea ay anak nang …
Read More »DoH Code white alert sa Bagong Taon
ITINAAS na sa Code White Alert, ang pinakamataan na antas ng alerto ng Department of Health (DoH), ang lahat ng pampublikong pagamutan sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasabay ng panawagan sa publiko na makiisa sa pag-iwas sa paggamit ng mapaminsalang paputok at salubungin ang Bagong …
Read More »Most wanted sa Munti arestado
HINDI umubra ang pekeng ID na ginamit ng sinasabing ‘no.1 most wanted criminal’ nang arestuhin ng mga alagad ng batas habang naaktuhang nagsusugal kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Nakakulong na sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Jojo Dereza, nasa hustong gulang, naninirahan sa naturang lungsod. Base sa report na natanggap ni Muntinlupa City Police Sr. …
Read More »Bangag na kelot nagbigti
TINAPOS ng isang lalaking adik ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa depresyon nang masobrahan sa paggamit ng droga sa Navotas City kamakalawa ng umaga. Patay na nang matagpuan ang biktimang si Reginio Sebastian, 29, dakong 9 a.m. sa loob ng kanilang bahay sa Tulay 7, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod. Base sa ulat ni PO3 Jeffrey Montero, …
Read More »3 bihag na pulis ng NPA palalayain sa Enero 2015
NAKATAKDANG palayain ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang kanilang tatlong bihag na miyembro ng Philippine National Police (PNP). Ito’y makaraan pakawalan ng grupo ang apat na bihag na mga sundalo. Ayon kay National Democratic Front spokesman Jorge Madlos, nakabase sa Mindanao, plano rin nilang palayain ang tatlong bihag na pulis na sina PO1 Democrito Bondoc Polvorosa, PO1 Marichel Unclara …
Read More »Taas-presyo ng petrolyo ihahabol sa 2014
PAHABOL na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang posibleng pasanin ng mga motorista bago magpalit ang taon. Makaraan ang tatlong sunod na rollback, nagbabadyang tumaas ng P0.40 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel. At maglalaro sa P0.20 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa gasolina habang posibleng wala o mas mababa sa P0.10 ang itataas sa kada litro ng …
Read More »Joma Sison umaasa sa pulong kay PNoy
UMAASA si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na matutuloy ang kanilang pagkikita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na isa sa itinuturing na malaking hudyat para sa pagsisimula ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno at ng komunistang grupo. Sa pahayag na ipinadala ni Sison sa isang national newspaper, sinabi ng CPP founder, posibleng matuloy ang …
Read More »Dinukot na warden sa ComVal hawak ng NPA
KINOMPIRMA ng New Peoples Army (NPA), nasa kanilang kustodiya ang dinukot na provincial jail warden ng Compostela Valley na si Jose Mervin Coquilla makaraan dukutin noong Disyembre 23 sa labas ng kanyang bahay sa Panabo City. Ayon sa isang nagpakilalang tagapagsalita ng NPA na isang Aris Francisco, hawak nila si Coquilla at kanilang isasailalim sa imbestigasyon. Ito’y batay sa isang …
Read More »7-anyos anak ng GRO bugbog-sarado sa kaaway ng ina
NAGA CITY- Bugbug sarado ang isang bata makaraan saktan ng tatlo katao na nakaaway ng kanyang ina sa Lucena City. Kinilala ang mga suspek na sina Mary Joy Andrade, negosyante; Michael Bacolod Dela Cruz, 39, taho vendor, at Bernardo Palaganas, 46-anyos. Nabatid na dakong 9 p.m. noong Disyembre 24 nang iwan muna ang batang babae ng kanyang ina sa isang …
Read More »MJC detainee todas sa atake
NAKATAKDANG beripikahin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) kung detainee sa Manila City Jail (MCJ) ang isang 53-anyos lalaking isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang atakehin sa puso ngunit binawian ng buhay noong Disyembre 25 ng madaling-araw. Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, kamakalawa lamang ng gabi naitawag sa kanilang tanggapan …
Read More »P10K bawas tax sa benepisyo ng obrero
MADARAGDAGAN ng P10,000 ang buwis na aalisin mula sa benepisyo ng mga manggagawa. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang P10,000 bawas buwis ay bunsod nang pag-apruba ni Pangulong Benigno Aquino III sa bagong patakaran hinggil sa karagdagang tax exempt-ions sa mga benepisyong ipinagkakaloob sa mga obrero sa ilalim ng mga collective bargaining agreement (CBA) at productivity incentive schemes. …
Read More »Kuya pinatay ni bunso
SAMPALOC, Quezon – Pinagtataga hanggang mapatay ng bunsong kapatid ang kanyang kuya makaraan magtalo sa ‘di malamang dahilan sa Brgy. Ilayang Owain ng bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng Sampaloc PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang tadtad ng taga sa iba’t ibang …
Read More »Mag-asawa nagtalo sa noche buena mister nagbigti
MALUNGKOT ang Pasko ng isang pamilya sa Malolos City nang magbigti ang isang padre de pamilya kamakalawa ng madaling-araw makaraan magtalo ang mag-asawa kung ano ang ihahanda sa Pasko. Isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos City ang biktimang si Mauro dela Cruz, 45, government employee, residente ng Brgy. San Vicente sa lungsod na ito, ngunit idineklarang dead on arrival. …
Read More »GMA balik VMMC na (Christmas furlough tapos na)
NAKABALIK na sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Bandang 2 p.m. nagtapos ang Christmas furlough ni Arroyo sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City. Martes, Disyembre 23 nang makalabas ang Pampanga solon sa pagamutan, sa bisa ng Sandiganbayan resolution. Bagama’t aminado ang kampo ni Arroyo na …
Read More »Makupad na internet connection bubusisiin
BUBUSISIIN sa Kamara de Representante ang makupad na koneksyon ng internet sa Filipinas. Sa inihaing House Resolution 1658 ni Rep. Mark Villar (Lone District, Las Piñas City), nanawagan siya sa House Committee on Information and Communication Technology na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso hinggil sa naturang isyu. Lumalabas aniya kasi sa ulat ng Akamai, isang major US-based provider, nasa average …
Read More »Sawa mula sa ‘White House’ nambulabog sa Camp Crame
BINULABOG ng isang sawa ang Camp Crame kahapon. Dakong 4:30 a.m. nang makita ng isang pulis ang sawa sa puno ng mangga malapit sa tinatawag na ‘White House’ sa loob ng kampo. Tinatayang may habang limang talampakan at may ga-brasong taba ang nasa 15 kilong bigat na sawa. Mabilis na nahuli ang sawa gamit ang manlifter para maiakyat sa puno …
Read More »Metro Manila itinaas sa full alert status
BAGAMA’T walang namo-monitor na banta sa seguridad ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinailalim sa full alert status ang buong Metro Manila. Epektibo nitong Lunes, Disyembre 22 nasa full alert status na ang NCRPO at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang …
Read More »70% ng naputukan isinisi sa Piccolo (Ayon sa DoH)
BUMABA ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa selebrasyon ng Pasko ngayong taon kung ihahambing noong 2013. Sinabi ni Department of Health (DoH) acting Sec. Janette Garin, batay sa kanilang monitoring sa 50 sentinel hospitals ng DoH, umabot sa 30 ang naitalang naputukan simula noong Disyembre 21. Sa naturang bilang ay 25 ang minor ang sugat, dalawa ang naputulan …
Read More »Luneta, Quezon Memorial Circle natambakan ng basura (Sa pagdiriwang ng Pasko)
NAG-IWAN nang tambak na mga basura ang mga namasyal sa ilang parke sa Metro Manila sa pagdiriwang ng Pasko. Sa pag-iikot sa Quezon City Memorial Circle, tumambad ang sandamakmak na mga basura na iniwan ng mga pamilyang nagdaos ng Pasko roon. Ito’y sa kabila ng nakapaskil na mga karatulang “bawal magkalat” na may parusang multa sa mahuhuli. Ginawa ring basurahan …
Read More »