Erpat kalaboso sa 5 counts ng child abuse

NAGA CITY – Arestado kamakalawa ang isang padre de pamilya bunsod ng 5 counts ng child abuse sa Brgy. Caricot Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Fernando Gamelo, 52-anyos.

Ayon sa ulat, dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Manuel M. Rosales, presiding judge ng RTC Br. 34 Iriga City.

Nahaharap sa kasong five counts ng paglabag sa RA 7610 o child abuse si Gamelo.

Habang umaabot sa P200,000 ang inirekomendang piyansa sa bawat kaso.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.