PATAY ang isang magpapatis makaraang makursunadahan at pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang kinilalang si Bonifacio Manuel, 52, trabahador ng Quality Patis, at residente ng Bacog St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO2 Noli Dae, dakong 1:50 a.m. nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.