Thursday , June 4 2026

Trillanes naghain na ng Coc bilang VP (Suportado ng Magdalo)

1015 FRONTPORMAL nang inihain ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang certificate of candidacy (CoC) bilang bise president sa 2016 elections.

Bukod sa mga tagasuporta at mga kabigan, kasama rin ni Trillanes sa paghahain ng COC ang kanyang may-bahay na si Arlene Trillanes at ang Partido Magdalo n pangunahing nag-endorso at nagsulong ng kanyang kandidatura.

Ayon kay Trillanes nais niyang tumakbo sa mas mataas na puwesto upang higit na mapagsilbihan nang direkta ang mga kababayang nating Filipino.

Idinagdag ni Trillanes na mahalaga rin maisulong sa buong bansa ang kapayapaan at katahimikan na isa sa mga pangunahing suliranin sa mga nakalipas na panahon.

Si Trillanes ay kilalang aktibong tumutuligsa at lumalaban sa isyu ng korupsiyon at ibinubunyag ang ano mang katiwalian sa pamahalan kahit ano pa ang posisyon ng nasasangkot. 

Nakita ang ganitong niyang katangian noon pa mang adminitrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“My program of government is to envisions a country of peace, progress and prosperity under a regime of social justice with a united, responsible and empowered citizenry, anchored on the following primary advocacies: Peace and Order; Anti-Corruption and Governance Reforms; Poverty Alleviation; Education; Economic Development; Environment; Health; Justice; Foreign Policy; Science and Technology; Sports; and Urban Development,” ani Trillanes.

Magugunitang pormal na ideneklara ni Trillanes ang kanyang kandidatura sa makaraang Magdalo Convention at mismong  si party-list Rep. Gary Alejano ang nagpakita ng kauna-unahang suporta para sa kanyang pagtakbo.

Ayon kay Alejano, ang paninilbihan ni Trilanes sa loob ng walong taon bilang senador ay nagpakita ng kanyang pagiging isang lider, mambabatas at marami nang napatunayan para sa pagsisilbi sa bayan.

May kakayahan siyang paunlarin hindi lamang ang ekonomiya kundi ang pamumuhay ng mahihirap nating kababayan.

“This is an opportunity to once again present the Magdalo reform agenda to the people and raise our brand of service to the next level. There will be no let up in our fight against corruption,” dagdag ni Trillanes.

Ang paghahain ng CoC ni Trillanes ay sinimulan sa pamamagitan ng isang motorcade mula sa lungsod ng Pasay patungong Comelec. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …