Friday , May 17 2024

News

Billy Crawford nagpasok ng not guilty plea (Sa pagwawala sa presinto)

HINDI sapat ang mga ebidensiya laban kay Bill Crawford para ma-convict ang TV/host actor sa kinakaharap na dalawang kaso. Ito ang pahayag ni Atty. Lucas Carpio Jr., kasunod ng pagpasok ng ‘not guilty plea’ ng dating child star sa mga kasong civil disobedience at malicious mischief na isinampa ng Taguig City police. Nag-ugat ang nabanggit na mga kaso makaraan magwala …

Read More »

Gazmin may ‘power’ sa VFP — GCG at SC

NILINAW ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) sa Veterans Federation of the Philippines (VFP) na kahit may kakaibang katangian ito bilang GOCC ay nananatiling nasa ilalim ito ng kontrol at superbisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin. Sa liham ng GCG kina VFP Chairman, President at Chief Executive Officer Emmanuel De Ocampo at …

Read More »

‘Baby for sale’ timbog sa NBI (Mag-asawa, 1 pa arestado)

ARESTADO ang tatlo katao nang salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang lying-in clinic sa Las Piñas City makaraan masangkot sa bentahan ng sanggol. Nahuli sa buy-bust operation ang isang lalaki nang makipagtransaksiyon sa ahente ng NBI na nagpanggap na bibili ng bata. Ayon kay NBI SI4 Aldrin Mercader, team leader ng Anti-Organize and Transnational …

Read More »

Palparan inilipat sa kustodiya ng Phil. Army (Mula sa Bulacan provincial jail)

INILIPAT na sa pangangalaga ng Philippine Army Custodial Center sa Fort Bonifacio, Taguig City si Retired Major General Jovito Palparan. Makakasama ni Palparan ang kapwa mga akusado na sina Col. Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio. Una rito, makaraan payagan ng Malolos RTC, agad sinundo ng mga naka-full battle gear na mga sundalo si Palparan mula sa Bulacan Provincial jail. …

Read More »

Deniece, Cedric, 1 pa pinalaya sa piyansa (Sa kasong serious illegal detention)

PINAHINTULUTAN ng Taguig court na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang model na si Deniece Cornejo at dalawa pang kapwa akusado sa kasong serious illegal detention kaugnay sa pagbugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro nitong Enero. Sinabi ni Atty. Connie Aquino, pinayagan ng Taguig Regional Trial Court ang petisyon nina Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz, …

Read More »

Esep, esep din ‘pag may time — Palasyo (Payo sa local gov’t)

ITO ang payo ng Palasyo sa mga lokal na pamahalaan kasunod nang Manila truck ban ordinance na ipinatupad ng Maynila na nakaperhuwisyo sa buong bansa, at binawi noong nakalipas na Sabado. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat pag-isipan muna ang magiging epekto ng lokal na ordinansa at makipag-ugnayan muna sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units …

Read More »

Isabela, Cagayan hinagupit ni Luis

MATINDING hinagupit ng bagyong Luis ang Isabela at Cagayan sa pag-landfall nito Linggo ng hapon. Sinabi ni Isabela Governor Faustino Dy, maraming lugar sa kanilang lalawigan ang walang koryente dahil sa mga bumagsak na poste. Linggo ng gabi pa aniya huminto ang pag-ulan at hangin sa kanilang lalawigan ngunit hanggang Lunes ng umaga, nananatiling walang koryente sa 60% ng hilagang …

Read More »

GRO binoga ng parak (Sumama sa ibang kelot)

NILALAPATAN ng lunas sa Mother and Child Hospital ang isang 22-anyos guest relation officer (GRO) makaraan barilin ng hindi nakilalang pulis sa loob ng videoke bar sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Pearlie Custodio, 48, C. San Jose Street, corner  Herbosa Street, Tondo. Ayon kay Chief Inspector Ariel C. Caramoan, hepe ng Manila Police District Don …

Read More »

P.2-M reward vs rape-slay suspect (Sa baby sa ilalim ng jeepney)

TUMAAS na sa P200,000 ang reward laban sa suspek na dumukot, gumahasa at pumatay sa 11-buwan gulang sanggol na iniwan sa ilalim ng pampasaherong jeep sa San Juan City. Ayon kay San Juan Mayor Guia Gomez, ang pabuya na dati ay P100,000 ay dinagdagan para sa agarang pagkaaresto sa suspek na walang-awang gumahasa at pumatay sa biktimang si Geralyn, anak …

Read More »

Lifestyle check vs PNP suportado ng Palasyo

SINUSUPORTAHAN Malacañang ang plano ng interior department na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal at miyembro ngPhilippine National Police (PNP) officials. Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang nasabing pagsusuri ay magiging confidential at ang resulta ay magagamit lamang kung may kaso na maipipila sa mga pulis. Ayon kay …

Read More »

Ex-MTPB member arestado

ARESTADO ang isang 52-anyos dating miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau makaraan mabisto na nanghuhuli ng mga sasakyan sa Paco, Maynila. Sinampahan ng kasong usurpation of authority at nakapiit na sa Manila Police District General Assigment and Investigation Section ang suspek na si Emiliano Polo, walang trabaho, ng 1340 Linao Street, Paco, makaraan maaresto dahil sa reklamo ni Dometrio Tupas, …

Read More »

Estudyante pisak 1 sugatan sa bulldozer

GENERAL SANTOS CITY – Nalagutan ng hininga ang isang estudyante makaraan madaganan ng sinasakyan niyang bulldozer kamakalawa. Ang biktima ay kinilala ni PO1 Muhammad Pangolima ng Malapatan Municipal Police Station, na si Maria Pablo, 16, ng Brgy. Kihan Malapatan, Sarangani province. Ang biktima ay kasama ng apat iba pa at naglalakad pauwi sa Brgy. Kihan nang madaanan ng driver at …

Read More »

Baha sa San Miguel isinisi sa Bulo Dam

BINAHA ang 18 barangay ng San Miguel, Bulacan bunsod ng pag-ulan dulot ng Bagyong Luis kamakalawa. Isinisi ng mga residente ng San Miguel ang pagbaha sa rekonstruksiyon ng Bulo Dam na ayon sa mga opisyal ay pipigil sa rumaragasang tubig mula sa kabundukan sa panahon ng tag-ulan. Kabilang sa mga binaha ang mga barangay ng Bagong Silang, Bantog, Bardias, Baritan, …

Read More »

Construction manager itinumba sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang construction manager nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang kasama ang kanyang asawang sales agent kamakalawa ng gabi sa Olongapo City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Angelito Pineda, 34, nakadestino sa motorpool ng 4B Constuction, sanhi ng mga tama ng .9mm kalibreng pistola. Habang nakatakbo at nagtago ang kanyang misis …

Read More »

Simbahan barangay suportado si Mar (Sa Daang Matuwid)

NAGKAISA kamakailan ang Simbahang Katoliko at ang Liga ng mga Barangay para suportahan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Sec. Mar Roxas sa kampanya na ipatupad ang Daang Matuwid sa implementasyon ng mga proyekto ng lokal na pamahalaan. Pormal na pinagtibay ang nasabing suporta sa pagpapatupad ng Daang Matuwid sa mga lokal na pamahalaan nang …

Read More »

Malugod na tinanggap ng Simbahang Katoliko at ng Liga ng mga Barangay…

Malugod na tinanggap ng Simbahang Katoliko at ng Liga ng mga Barangay ang patuloy na pagsuporta sa Department of Interior and Local Government sa ilalim nang pamumuno ni Secretary Mar Roxas upang itulak and Daang Matuwid (Straight Path for Good Governance) sa pagpapatupad ng mga proyekto sa lahat na lokal na pamahalaan sa buong bansa. Makikita sa larawan sina Secretary …

Read More »

Bingo-M gamit sa Jueteng (Protektado ng Rizal PNP)

“PRUWEBA ang mga naarestong jueteng personnel na ginagamit lang ang larong Bingo Milyonaryo bilang prente ng ilegal na sugal sa lalawigan ng Rizal,” pahayag kahapon ng isang tauhan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sinabi ng nasabing opisyal, na ayaw magpabanggit ng pangalan, obyus umanong pinoprotektahan ng lokal na pulisya ang ilegal na operasyon ng Bingo Milyonaryo “dahil may linggohan …

Read More »

Luis signal no. 3 sa 13 lugar

RUMAGASA ang malakas na hangin bunsod ng bagyong Luis kaya naputol ang mga puno, nagiba ang bakod ng PNR at nabagsakan ang nakaparadang mga sasakyan sa gilid ng Caloocan City Police headquarters kahapon. (RIC ROLDAN) LUMAKAS pa ang bagyong Luis ilang oras bago ang landfall o pagtama ng sentro nito sa kalupaan ng Cagayan-Isabela. Bago magtanghali kahapon ay natukoy ang …

Read More »

Cagayan, Isabela sentro ni Luis

NAG-LANDFALL o tumama ang sentro ng bagyong Luis sa pagitan ng lalawigan ng Cagayan at Isabela dakong 5 p.m. kahapon. Ayon sa PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 160 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa …

Read More »

700 pasahero stranded

TINATAYANG 700 pasahero sa iba’t ibang pier sa buong bansa ang stranded bunsod sa nararanasang masungit na panahon dahil sa Bagyong Luis na patuloy na lumalakas. Batay sa talaan ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong 10 a.m. kahapon, umabot na sa 658 passengers, 78 rolling cargoes at 15 vessels ang stranded. Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commander Armand …

Read More »

10 flights kanselado

UMABOT sa 10 ang bilang ng flights ang kanselado dahil sa sama ng panahon bunsod ng bagyong si Luis. Batay sa ulat ng Department of Transportation and Communication (DoTC), bago mag-alas nuebe kahapon ng umaga ay kabilang sa mga kanseladong flights ang mga sumusunod: 2P 2014: Manila-Tuguegarao; 2P 2015: Tuguegarao-Manila; 2P 2198: Manila-Laoag; 2P 2199: Laoag-Manila; 5J 323: Manila-Legazpi; 5J …

Read More »

Impeach VP Binay (Dahil sa korupsyon)

SINABI nina Senador Miriam Defensor Santiago at Atty. Romulo Macalintal, kapwa eksperto sa batas, na pwedeng magsulong ng impeachment case sa Kongreso laban kay Vice President Jejomar Binay dahil sa mga akusasyon ng overpricing sa P2.7-bilyong Makati Parking Building at pagmamaniobra sa lahat ng bidding sa lungsod na isiniwalat mismo ng dating mga opisyales ng kanilang City Hall. Paniwala ni …

Read More »

P31.9-M gastos sa 8-day working visit ni PNoy

UMABOT sa P31.9 milyon ang gastos ng pamahalaan sa walong araw na official working visit ni Pangulong Benigno Aquino III sa Spain, Belgium, France at Germany. Umalis ang Pangulo kamakalawa ng gabi para sa kanyang four-nation working visit sa Europe mula Setyembre 13 hanggang Setyembre 20, kasama sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Agriculture Secretary …

Read More »

Makati residents binalaan vs LPG gang

PINAG-IINGAT ng Makati City Police ang mga residente sa lungsod sa bagong modus operandi ng nagpapanggap na mga ahente ng Liquified Petroleum Gas (LPG) tanks Base sa ulat ng pulisya, nagpupunbta sa mga bahay-bahay ang mga pekeng nagpapakilalang ahente ng gasul . Sinasabi ng mga suspek na iinspeksiyonin nila ang tangke kung may leak upang makapasok sa bahay ng bibiktimahin. …

Read More »

Malolos COP sinibak (2 tauhan sabit sa KFR)

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Malolos City Police sa lalawigan ng Bulacan makaraan masangkot sa kidnapping ng isang Chinese national sa Caloocan City ang dalawa niyang tauhan. Sa ulat mula sa tanggapan ni Bulacan Police director, Senior Supt. Ferdinand Divina, sinibak si Supt. Donato Bait at itinalaga si Supt. Arwin Tadeo bilang acting Malolos City police chief. Ang pagkakasibak …

Read More »