Thursday , June 4 2026

Kuta ng tulak sinalakay 6 timbog

ANIM katao ang naaresto habang 16 sachet ng tuyong dahon ng marijuana at 9 sachet ng shabu ang nakompiska sa magkahiwalay na pagsalakay sa dalawang bayan sa lalawigan ng Rizal kamakalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga nadakip na sina Eduardo Ilocso; Arcelly Arcilla, 41; Ma. Victoria Dumaguit, 40; Myrna Argete, 44; Marlin Arada, 34; at Jay San Jose, 33-anyos.

Unang nadakip si Ilocso dakong 6 a.m. ng mga tauhan ng Pililla PNP, base sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Agripino Morga ng RTC Branch 29-32 ng San Pablo City, Laguna.

Habang nadakip ng mga tauhan ni Chief Insp. Bartolome Marigondon, hepe ng Binangonan PNP, sa buy-bust operation ang limang suspek sa Sampaloc St., Brgy. Batingan ng nabanggit na bayan.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …