Ate Gay nakitaan ng bukol sa ibaba ng leeg
MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Facebook post kamakailan, ibinunyag ni Ate Gay ang naging pagbisita niya sa ospital para sa panibagong gamutan. Nadiskubre kasi niya na may panibagong bukol sa kanyang leeg, ilang araw lang matapos niyang ibalitang wala na ang mga naunang cancerous lumps sa kanyang katawan.
“Nakitaan ako ng bukol sa ibaba ng leeg ko, malapit sa balikat na agad nila inagapan,”sabi niya.
Ibinahagi rin ni Ate Gay na muli siyang sumasailalim sa CyberKnife, isang robotic radiation therapy system na ginagamit sa paggamot ng mga tumor.
Sa kabila ng bagong hamon sa buhay, nananatiling positibo ang komedyante at lubos ang pasasalamat sa kanyang mga angel at sa mga doktor na patuloy na umaalalay sa kanya.
