Sheree Dive Master

Sheree wish maging isang Dive Master, may new movie kasama sina Maui, Katya, at Gwen

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY nakita kaming FB post ni Sheree kamakailan at nalaman namin na nag-aaral pala ang aktres para maging isang Dive Master.

Ayon sa post niya: ‘Di pala easy hahahahahaha but super fun Dive Master course at The Asri Dive and Leisure Resort with the instructors John V. Dizon, Monette Llamera, Manolo Dizon tara na kase Mark Chang hirap mag-isa.”

Dahil dito ay nag-message kami kay Ms. Sheree upang kumustahin siya.

Reply niya sa amin, “Nasa dive ako ngayon, nag-aaral akong maging isang dive master.

“Mayroon kaming comeback movie, kami sa Viva Hotbabes…soon, abangan po, may movie kami. Ako, Katya Santos, Maui (Taylor) and Gwen (Garci).”

Dagdag pa ng aktres, “Bago mag-shoot ay nag-aral muna ako na maging isang dive master.

“Ang mga instructor ko kuya Nonie ay sina John Dizon and owner ng The Asri Resort — Monnette Llamera and Manolo Dizon, tapos ‘yung isang DM (Dive Master) ay si Jason Mendoza.

“Ang dami kong instructor ‘no, hahahaha! Pero at least marami akong knowledge na makukuha sa kanila.”

Iyon ba ang role niya sa kanilang bagong movie sa Viva, isang dive master?

Tugon niya, “Actually, pole instructor ako sa film, pero why not? Puwede namang idagdag ang dive master.

“Bandang July pa ang start ng movie, kaya hinahabol ko na masimulan ang Dive Master Course ko sa The Asri sa Anilao, Batangas, Kasi, isa rin talaga sa hilig ko ito.

“If magpahinga kasi sa dive, baka ‘yung mga skills na alam ko na, makakalimutan ko pa. Kaya itinuloy-tuloy ko na.” 

Kuwento pa ni Ms. Sheree, “Sa pole naman, 

puwede na rin akong magturo, kasi certified instructor na rin ako. Actually, I will teach na rin soon sa isang gym sa BGC and private classes na rin.

“Tuloy-tuloy pa rin naman ang training ko sa polecats with my instructor na si Kayleen. Para at least ay fit din ako kapag start na ng movie. Kasi,  puro buhat at assembly ng mga tank at dive gear iyon.

“Nakapapagod and mahirap siya, kasi nakasalalay sa akin ang buhay ng ibang tao kapag naging certified Dive Master na ako.

“So for now ay candidate muna ako (dive master candidate). Pangdagdag na rin sa preparation ko sa gagawin naming film,” mahabang pahayag pa niya.

Gaano katagal mag-aral ng DMC?

Aniya, “Kung maganda ang evaluation, 2 to 6 months, pero depende sa schedule. Kaya naghahabol talaga ako na matapos bago ako maging busy. Kasi, may gagawin din kaming shows here and abroad.”

Anyway, sa nauna naming panayam kay Ms. Gwen Garci, nalaman namin na ang kanilang gagawing pelikula sa Viva ay pinamagatang Milf. 

Ang pelikula raw ay parang Sex In The City at isa itong dark comedy.