This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
HINDI natinag ang pamilya Binay nang magtungo kahapon sa bahay nang sinibak na si Jejomar “Junjun” Binay ang pinagsanib na puwersa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at pulisya ng Makati para ihain sa kanya ang dismissal order sa pagka-alkalde na ipinalabas ng Office of the Ombudsman nitong Lunes.
Dumating sa bahay ng batang Binay ang mga tauhan ng DILG at Makati City Police dakong 8:30 a.m. na isang convoy ng mga sasakyan, para isilbi ang dismissal order ng dating alkalde ng lungsod makaraang sibakin sa pwesto ng Office of the Ombudsman kaugnay sa overpriced na pagpapagawa ng Makati City Hall building 2.
Ayon sa kampo ni Binay, sa ginawang hakbangin ng DILG at pulisya ay nabulabog ang ilang residente.
Aniya, naging over-acting ang naging aksiyon ng DILG laban sa mga Binay, na maituturing anilang harassment.
Ngunit ano man anila ang gawin ng gobyerno ay hindi sila matitinag maging si Vice President Jejomar Binay at ang kanilang pamilya, dahil hindi mahahadlagan ang determinasyon nila na maglingkod sa bayan.
Bukod sa dismissal order, kasama rin sa desisyon ng Ombudsman ang disqualification sa batang Binay sa pagtakbo sa halalan sa 2016.