Sunday , November 24 2024

News

Kamara balik-sesyon ngayon

congress kamara

MAGBUBUKAS muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayon upang pag-usapan ang priority bills at para iratipika ang P4.506-trilyong pambansang budget para sa 2021. Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, handa na ang Kamara na magtrabaho sa ilalim ng bagong normal na estriktong ipatutupad ang physical distancing at health protocols sa gitna ng patuloy na pangamba dulot ng CoVid-19. “We …

Read More »

Angat Dam management irereklamo ng Marikina LGU

Angat Dam

PLANONG sampahan ng kaso ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang pamunuan ng Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan dahil aniya sa kapabayaan nang hindi sila abisohan na magpapakawala ng tubig noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Ayon kay Teodoro, ang 18 metrong taas ng tubig mula sa bagyong Ulysses ang kanilang pinaghandaan ngunit hindi umano nila inasahang magpapakawala din …

Read More »

Pulis-Bulacan, todas sa ambus suspek tinutugis

PATAY ang isang pulis-Bulacan matapos tambangan ng mga hindi kilalang suspek habang lulan ng minamanehong sasakyan sa bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 14 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Abdulsamat Saipuddin, 46 anyos, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang nakatalaga sa Angat Municipal Police Station (MPS). Sa imbestigasyon, nabatid na sakay si Saipuddin ng …

Read More »

P.5-M Bigas at relief packs ayuda ng NCRPO sa Cagayan at Isabela

MABILIS na nagpadala ng tulong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa residente na sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabea. Ikinasa ang relief operations dakong 7:00 pm na mismong si NCRPO chief Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang nangasiwa sa apat na 6×6 trucks at isa-isang binigyan ng gabay ang nasa 50 tauhan mula sa Team …

Read More »

Tuguegarao Mayor binatikos (Birthday getaway sa gitna ng bagyong Ulysses)

NAKATANGGAP ng maraming batikos sa social media si Mayor Jefferson Soriano ng lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan,  matapos matuklasan ng mga netizen na wala siya sa lungsod at nagdiwang ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Ibinahagi (share) ng maraming Filipino social media users ang ngayon ay binura nang larawan sa Instagram …

Read More »

Atenista babagsak kayo — Palasyo (Sa strike vs criminally neglectful response ng nat’l gov’t)

NAGBABALA ang Palasyo sa mga estudyante ng Ateneo de Manila University na babagsak ngayong school year kapag itinuloy ang panawagang mass student strike laban sa criminally neglectful response ng national government sa tatlong magkakasunod na bagyo at CoVid-19 pandemic sa pangkalahatan. Sa isang kalatas, nangako ang mga estudyante ng Ateneo na simula sa 18 Nobyembre 2020 ay hindi sila magsusumite …

Read More »

Biktima ng bagyo at baha may ayuda — Sen. Bong Go

TINIYAK ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na lahat ng asset ng gobyerno ay nakakalat o naka-mobilize para magresponde sa mga apektado ng bagyo at pagbaha upang magbigay ng tulong at saklolo. Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Go na bumisita sa Cagayan para tingnan ang pinsala ng baha at para matukoy ang mga pangangailangan ng mga residente. Ang …

Read More »

Kamara pinuna sa ‘di patas na alokasyon sa 2021 budget (Infra projects sa congressional districts)

PINUNA ni Senator Panfilo Lacson ang “disparity” o unfair na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista na tinukoy niyang bilyon- bilyong piso ang inilaan sa isang distrito sa Davao, sa Benguet, Albay, at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang. Ayon kay Lacson, “This is just to point out the disparity in the distribution …

Read More »

Kredibilidad ng military sinisira ni Velasco (Sa pagtatanggol sa red-tagging vs Makabayan Bloc)

ITINURING ng isang batikang abogado na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan Bloc ng Kamara sa naging akusasyon ni AFP Southern Luzon Command chief, Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the …

Read More »

P10-B gastos sa senate bldg ‘wag gamitin sa isyu ng DDR (Buwelta ni Sotto)

Senate BGC bldg money

BINUWELTAHAN ni Senate President Tito Sotto si Albay Rep. Joey Salceda at sinabihang “unfair”na punahin nito ang Senado sa paggasta ng P10 bilyon para sa ipinatatayong bagong gusali ng senado sa Bonifacio Global City habang ang P2 bilyong gagastusin para sa pagtatatag ng kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR) ay kanyang tinututulan. Ayon kay Sotto, hindi patas na ikompara ang …

Read More »

Lupa gumuho 5 patay, 9 nawawala (Sa Nueva Ecija)

BINAWIAN ng buhay ang lima-katao habang nawawala ang siyam na iba pa sa isang landslide sa mga sitio ng Kinalabasa, Compound, at Bit-ang, sa Barangay Runrunu, bayan ng Quezon, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Huwebes ng hapon, 12 Nobyembre. Sa paunang ulat mula kay PRO2 Information Officer P/Lt. Col. Andree Abella, naganap ang pagguho ng lupa sa Barangy Runrunu …

Read More »

15 bayan, Lungsod sa Pampanga lubog sa baha (Ulan ni Ulysses walang tigil)

SINISI ang tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses, na nagging sanhi ng malawakang pagbaha sa ilang mga barangay ng 14 bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Pampanga nitong Huwebes, 12 Nobyembre. Kabilang sa mga binahang bayan ang Macabebe, Masantol, Sasmuan, Candaba, San Luis, Minalin, Sto. Tomas, Lubao, Guagua, Apalit, San Simon, Sta. Ana, Mexico, at Bacolor, kasama ang …

Read More »

OFWs inspirasyon sa kampanya laban sa “kafala”

MALULUNGKOT at masasakit na pinagdaanan ng ilang milyong overseas Filipino workers (OFWs) na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili ang naging inspirasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) para isulong ang “anti-kafala” campaign simula pa 2017. “Ang tapang at malasakit ng mga Filipino sa pangunguna ng Pangulo, mga NGO, mga diplomat, at ang milyon-milyong OFWs na dumanas ng hirap …

Read More »

Doktor, PSG itinuro ni Duterte

HINDI pinapayagan ng kanyang mga doctor at security na lumabas sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi siya mahagilap sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo. Nag-viral muli sa social media ang hashtag #NasaanAngPangulo habang binabayo ng bagyong Ulysses, at lubog sa baha at landslide ang iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon. “There are those who say that we’re not …

Read More »

Ulysses mas ‘matindi’ kaysa Ondoy

 HATAW News Team BINUHAY ng bagyong Ulysses ang ‘multo’ ng bagyong Ondoy nang hambalusin ng rumaragasang hangin at ulan ang Metro Manila, Rizal at iba pang lugar sa bansa na apektado ng pananalasa ng bagyong may international name na Vamco, simula nitong Miyerkoles , 11 Nobyembre ng gabi hanggang kahapon. Gaya noong Ondoy, Marikina ang iniulat na pinakamatinding sinalanta ng …

Read More »

3 dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig — Pagasa (Sa pananalasa ni Ulysses)

NAGSIMULANG magpakawala ng sobrang tubig ang tatlo sa mga dam sa Luzon na Binga, Magat, at Angat dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses nitong Huwebes, 12 Nobyembre. Ayon kay state hydrologist Richard Orendain, nagsimula nang umapaw ang Binga Dam sa Benguet, at Magat Dam sa Cagayan na pangunahing pinagkukuhaan ng tubig para sa irigasyon sa Luzon. “Iyong …

Read More »

PH mangungutang ng $300-M pambili ng CoVid-19 vaccine

MANGUNGUTANG ng $300 milyon ang administrasyong Duterte para ipambili ng bakuna laban sa CoVid-19. Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. “Nandito na ang bakuna. So it’s being sold. Iyong iba sa —- I don’t know, it would be not good to assume that there’s a black market for that. But Sonny says that …

Read More »

Palasyo tutok kay Ulysses

bagyo

TINUTUTUKAN nang husto ng Palasyo ang galaw ng bagyong Ulysses at sinuspende ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa public shools sa Regions II, CALABARZON, MIMAROPA IV, Cordillera Administrative Region at National Capital Region simula kahapon 3:00 pm hanggang ngayong araw. Ang desisyon ng Malacañang ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management …

Read More »

11.11 sale pumatok shoe store ipinasara (Tindahan sa Cebu dinagsa)

IPINATIGIL ng pulisya at mga opisyal ng lungsod ng Cebu ang operasyon ng isang tindahan ng mga sapatos matapos dagsain ng mga tao nang mag-anunsyo ng 11.11 sale ang JS Footwear. Makabibili ng tatlong pares ng sapatos sa halagang P998 sa 11.11 sale ng nasabing tindahan. Hindi pinayagang magbukas kahapon, 11 Nobyembre, ang JS Footwear, sa Sanson Rd., Barangay Lahug, …

Read More »

HR chief na dating news writer sa Pangasinan patay sa pamamaril (Kasabay ng ambush kay Maganes)

dead gun police

KASABAY ng ambush na ikinamatay ng 62-anyos mamamahayag na si Virgilio Maganes, sa Villasis, Pangasinan, binawian din ng buhay ang isang dating news writer at kasalukuyang hepe ng human resource department ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto, sa lalawigan ng Pangasinan, nang barilin ng hindi kilalang suspek nitong Martes din ng umaga, 10 Nobyembre. Kinilala ni San Jacinto Police …

Read More »

Babaeng hukom, 44, hininalang binaril ng clerk of court (Suspek sinabing nagkitil sa sarili)

HATAW News Team SA SILID kung saan tinitimbang ang katarungan, dalawang buhay ang kinitil ng armas na mas madalas ay instrumento ng inhustisya. Kahapon, Miyerkoles, 11 Nobyembre, ginulantang ang Maynila ng ulat na isang babaeng hukom, kinilalang si Judge Maria Teresa Abadilla, ang sinabing binaril ng kanyang clerk of court na kinilalang isang Atty. Amador Rebato sa loob ng tanggapan …

Read More »

Final Report ng “matagumpay” na SEA Games isinumite ng SEA Games Organizing Committee

Nagsumite ng final report na nakapaloob sa isang libro ang South East Asian Games Organizing Committee kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino and Philippine Sports Commission (PSC) Chair William “Butch” Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Taguig City. Matapos ang labing-apat na taon, naghost ulit ang Pilipinas ng South East Asian Games …

Read More »

DDS kay Velasco: Kakampi ba o kaaway?

HINDI nagustohan ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang naging pagkampi at pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa red-tagging sa Makabayan Bloc na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pagmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA. Sa YouTube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi sa ginawang …

Read More »

P10-B BGC senate building maluho kaysa P2-B DDR (Senado binira ni Salceda)

Senate BGC bldg money

HINDI napigilan ni House committee on ways and means chairman, Albay Rep. Joey Salceda na pasaringan ang Senado at ikompara ang ginawang paggasta ng P10 bilyon para makapagpapagawa ng modernong senate building sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City habang pinanghihinayangang gastusan ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na pinaniniwalaang  pangmatagalang solusyon sa panahon ng kalamidad na …

Read More »

Wanted sa Region 10 rapist na Padre de pamilya arestado sa Maynila

arrest prison

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Provincial Regional Office 10, ang isang 49-anyos tatay na wanted sa Cagayan de Oro City dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak, kamakalawa ng madaling araw sa Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng MPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Romeo Anicete, nakalawit ng kanyang …

Read More »