Wednesday , January 26 2022

5 huli sa Malabon
3 DAYONG TULAK HULI SA NAVOTAS

WALONG tulak ng droga, kabilang ang dalawang babae ang nalambat sa isinagawang magkahi­walay na buy bust operations ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 8:35 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa kahabaan ng R-10, Brgy. NBBN.

Agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga dayong tulak na kinilalang sina Reymond Rojas, 38 anyos, Cyrell Mencidor, 23 anyos, at Annieron Lopez, 30 anyos, pawang residente sa Caloocan City matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 11.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P76,840 at buy bust money.

Dakong 11:00 pm nang matimbog ng team ng SDEU sina Jose Dela Cruz, Jr., 37 anyos, mangingisda at vendor na si Ruben Ibañez, 56 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy bust operation sa Judge A Roldan St., Brgy., San Roque.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 11.2 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P76,160 at marked money.

Sa Malabon City, nadakma ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangsiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot si Mark Jaspher Aquino, 25 anyos, Sherwin Fuentes, 27, at Daysun Algunajota, 39 anyos, kilalang pusher sa lugar, sa isinagawang buy bust operation sa Dr. Lazcano St., Brgy. Tugatog dakong 11:10 pm.

Ayon kay P/MSgt. Randy Billedo, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa apat gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P27,200 at marked money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …