Thursday , June 4 2026

13 Pasaway sa Bulacan kalaboso

HINDI umubra ang 13 indibidwal na pawang mga pasaway sa lalawigan ng Bulacan nang isa-isa silang pinagdadampot ng pulisya sa operasyong ikinasa dito hanggang nitong Biyernes, 7 Enero.

Unang nasakote ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Obando, Pandi, at Sta. Maria MPS ang tatlong personalidad na sangkot sa krimen na kinilalang sina Ronaldo Sarmiento ng Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria; Joel Villarin ng Brgy. Siling Bata, Pandi; at Raymond Martin ng Brgy. Malanday, Valenzuela.  

Nakompiska sa mga suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu, candy box, motorsiklo, at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Sumunod dito, nasako­te rin ang tatlong iba pang mga suspek sa pag­responde ng mga pulisya sa Marilao, Meycaua­yan at San Jose del Monte sa iba’t ibang insidente ng krimen.

Kinilala ang mga suspek na sina Jericho Del Carmen ng Brgy. Guijo, San Jose del Monte na arestado sa kasong Theft; Benny Sy, isang Chinese National, residente sa Brgy. Patubig, Marilao sa paglabag sa RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995); at Ramil Munio, alyas Manero ng Bayugo, Meycauayan para sa kasong Physical Injury.

Nasukol rin ang pitong pugante sa magkakahi­walay na manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Hagonoy, Obando, Pandi, Plaridel, Sta. Maria MPS at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) na kinilalang sina Celestina Maclang, alyas Cely, ng Brgy. Bagong Silang, Plaridel para sa kasong Estafa; Julius Aaron Delos Reyes, ng Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children); Jeyhan Mariano, alyas Jing, ng Brgy. Guyong, Sta. Maria sa paglabag sa BP 22 (Anti-Bouncing Check Law); Eduardo Garcia, alyas Eddie ng Brgy. Mapulang Lupa, Pandi para sa Attempted Rape; at Dranreb Santos ng Brgy. Abulalas, Hagonoy sa kasong Qualified Theft. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station ang mga nadakip na akusdo para sa naaangkop na disposisyon. (M.B.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …