Thursday , March 30 2023

Sa unang araw ng election gun ban
RIDER TIKLO SA LAGUNA

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang rider ng motorsiklo sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Enero, dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code provision na nagbabawal sa mga sibilyan na guma­mit at magdala ng baril sa panahon ng eleksiyon.

Ayon sa ulat ng PRO 4-A PNP, naharang ang magsasakang kinilalang si Alejandro Tampis, 51 anyos, sakay ng kanyang motorsiklo, sa isang police checkpoint sa Brgy. Jose P. Rizal, sa nabanggit na bayan, dakong 1:30 am, kahapon.

Nabatid nang kinukuha ng suspek ang kanyang lisensiya mula sa kanyang sling bag, napansin ng isang pulis ang handle ng baril sa loob.

Nakompiska ng mga awtoridad mula kay Tampis ang isang calibre.38 baril may kargang bala.

Bigong makapagpakita ng kaukulang dokumento ang suspek na nagbibigay sa kanya ng permisong magmay-ari at magdala ng baril sa panahon ng halalan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa batas kaugnay sa pagmamay-ari ng baril at paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines.

About Micka Bautista

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …