Thursday , June 4 2026
Sigarilyo Yosi

Sa kalakalan ng mga ilegal na sigarilyo
2 politikong protektor ng ‘tobacco lord’ target sa tinaguriang  ‘bagong POGO’  
Isyu ng Labor Code violations sinisilip din

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang tatlong abandonadong pabrika ng ilegal na sigarilyo sa Pampanga, na nagpapalakas ng hinala na isang sindikato ang nag-o-operate sa probinsiya.

Ang pagkakatuklas ay kasunod ng pagsalakay noong 29 Enero sa isang katulad na pasilidad sa Mexico, Pampanga, na milyon-milyong pisong halaga ng mga ilegal na sigarilyo at kagamitan ang nakompiska.

Binanggit ni Interior Secretary Jonvic Remulla, ang posibleng presensiya ng isang ‘tobacco lord’ sa Pampanga na sinasabing pinoprotektahan ng dalawang mambabatas sa Gitnang Luzon.

Ayon sa Kalihim, iniimbestigahan ang dalawang mambabatas kaya hindi pa nila mapangalanan pero sila ay ‘persons of interest’ dito.

Sa mga inabandonang lugar na matatagpuan sa San Fernando City, Mexico, at San Simon ay may ipinahiwatig mula sa security logbook na ang mga taong sangkot ay huling naroon noong 29 Enero —kaparehong araw na sinalakay ang ikaapat na pabrika.

Nakompiska mula sa tatlong lokasyon ang tatlong makinang pangtuyo ng tabako, dalawang makinang panggawa, isang makinang pang-impake, at apat na bahagi ng makinang pang-impake, kasama ang mga hilaw na materyales, mga filter ng sigarilyo, at pinaghihinalaang pekeng mga selyo ng buwis.

Sinabi ni Remulla, ang mga nakompiskang ebidensiya, kabilang ang mga walang dokumentong sigarilyo, ay nagkakahalaga ng halos P400 milyon na ang bawat lugar ay maaaring makagawa nang hanggang P160 milyong halaga ng sigarilyo araw-araw.

Dagdag niya, ang mga rehistradong kompanya, nakompiskang makina, at dalawang tatak ng sigarilyo na natagpuan sa mga lugar ay hindi nakalista sa National Tobacco Administration kaya 100 porsiyentong ilegal ang ginagawa rito at wala sa tatlong lugar ang may mga business permit mula sa kani-kanilang mga lokal na yunit ng pamahalaan.

Samantala, nangako ang Philippine National Police (PNP) na pipigilan ang ilegal na kalakalan ng sigarilyo na maging isang banta sa lipunan gaya ng mga ipinagbabawal na operator ng POGO sa Filipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang puwersa ng pulisya ay patuloy na magpapanatili ng aming matagumpay na operasyon laban sa mga ilegal na sigarilyo.

Naglabas ang PNP ng ganitong pahayag matapos ilarawan ni Marikina Rep. Romero Quimbo ang ilegal na kalakalan ng sigarilyo bilang ‘bagong POGO’, na inaakusahang pinatatakbo ng mga dayuhan na minarkahan nang hindi makataong mga kondisyon sa paggawa. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …