Thursday , June 4 2026
handcuff sex posas

Natiyempohang bumebembang
Delivery rider timbog sa boga’t droga

ISANG rider ang inaresto matapos ang search operation na isinagawa sa kaniyang mismong bahay na nagresulta sa pagkakakompiska ng dalawang malalakas na baril na puno ng bala at hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27,200 noong Sabado ng umaga, 14 Pebrero, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat kay Nueva Ecija PPO Provincial Director P/Col. Heryl Bruno, kinilala ni P/Maj. Ernesto Esguerra, hepe ng Jaen MPS, ang naarestong suspek na si alyas ​​Teddy, 46 anyos, rider ng Lalamove, at residente sa Purok 1, Barangay Imbunia, sa naturang bayan.

Isinilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa suspek ngunit na-wrong timing ang mga operatiba dahil nasa sitwasyon ito habang nakikipagtalik sa kaniyang live-in-partner sa loob ng bahay dakong 5:00 ng umaga.

Ngunit hindi ito naging hadlang upang isilbi ng mga awtoridad ang search warrant laban sa suspek.

Ang pagsalakay ay bunsod ng ulat ng intelligence na ang suspek ay sangkot sa walang habas na pagpapaputok sa lugar habang sumisinghot ng shabu.

Nakompiska mula sa suspek ang isang cal. 38. revolver na may pitong bala, isang 12-gauge shot gun na may 11 bala, at anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu may bigat na apat na gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P27,200.

Sakop ang operasyon ng Target Intelligence Packet (TIP) na may control number B-2026-008-PRO3-NEPPO-JMPS at isang search warrant na inisyu ni Executive Judge Quijano Laure ng Gapan City RTC para sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

Dinala ang suspek at ang mga nakompiskang ebidensiya sa estasyon para sa wastong disposisyon.

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 at Seksiyon 11 at 12 ng Art. II ng RA9165 para sa pagsasampa sa korte laban sa naarestong suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …