Thursday , June 4 2026
San Jose del Monte CSJDM Police

2 Kelot timbog sa pagsikwat ng motorsiklo

DALAWANG lalaking nanalisi ng motorsiklo ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Barangay Muzon Proper, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Lt. Colonel Reyson M. Bagain, hepe ng San Jose Del Monte CPS, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Kim, 25 anyos, at alyas Arjay, 25, kapuwa residente sa Barangay 187 Tala, Caloocan City.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente kamakalawa, 22 Pebrero 2026 dakong 2:30 ng madaling araw sa parking lot ng isang billiard hall sa Barangay Muzon Proper.

Sinabing ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo para makipagkita sa kanyang mga kaibigan ngunit sa kanyang pagbalik, nadiskubre niyang nawawala na ang sasakyan.

Sa isinagawang follow-up, habang kinokolekta ng biktima ang CCTV footage sa lugar, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa saksi na ang motorsiklo ay naibenta na ng mga suspek.

Agad siyang humingi ng tulong sa SJDM CPS na nagresulta sa agarang pagkaaresto ng mga suspek at pagkarekober ng ninakaw na motorsiklo.

Ang mga suspek ay inabisohan ng kanilang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa pagamutan para sa kaukulang medical examination bago isinailalim sa kustodiya ng pulisya.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM CPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016 na ihahain sa Office of the City Prosecutor. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …