Friday , October 25 2024
Vico Sotto Ping Lacson Herbert Bautista

Ping hanga kina Bistek at Vico

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIWkami sa video na The Politicians (Word Association) ni Presidential aspirant Ping Lacson na nagbigay siya ng ilang komento ukol sa ilang personalidad, Kasama roon sa mga kilalang personalidad sina Senatoriable Herbert Bautista at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Hindi itinago ni Ping ang paghanga  sa mga batang politika na sina Bistek at Vico.

Komento niya kay Bistek, “Bistek, very good.” Binigyan naman niya ng two thumbs up si Vico.

Pinuri rin niya sina Benjamin Magalong, Benigno Aquino III,  at Winston Churchill. Aniya kay Churchill, “I have always idolized this man because of his wit, because of his sarcasm. Because of his statemanship and because of his bravado.”

Isa naman sa pinatamaan niya at may hindi magandang komento si   dating presidente Gloria Macapal Arroyo. Aniya rito, “Next please.”

Another guy,” naman ang nasabi niya kay dating US President Donald Trump.

Idolo naman niya, role model, at gusto niyang maging ganoon din tulad ni Lee Kuan Yew

Sa pagpuri ni Ping kina Bistek at Vico tila hudyat iyon na maganda ang magiging kalagayan ng bansa kung ang kaakibat niyang magpapalakad ay tulad ng dalawa na nakikitaan na ng sipag at sikap sa kanilang mga nakaatang na gawain at responsibilidad.

Maging sina Bistek at Vico sa minsan ng nagpahayag ng paghanga sa team Ping-Sotto na ‘ika nga nila bilib sila sa kakayahan nina Lacson at sotto kapag ang mga ito ang mamuno sa bayan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

FPJ Panday Bayanihan party-list nasungkit No.3 sa balota

NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan party-list ang isang prominenteng posisyon sa 2025 midterm election ballot …

Tony Labrusca Landers

Tony hindi choosy saan man iinom — We have one life to live, just don’t hurt anybody

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATSIKAHAN namin si Tony Labrusca sa Wine & Liquor Expo media launch sa …

Kokoy de Santos MMFF Vice Ganda Sylvia Sanchez

Kokoy nasorpresa, kinilig pagkakasama ng Topakk sa MMFF 2024

RATED Rni Rommel Gonzales MAY “happy problem” si Kokoy de Santos sa Disyembre. Pasok kasi ang dalawang …

Heart Evangelista Pia Wurtzbach

Heart may mensahe kay Pia: Sana hindi mangyari sa iyo ang nangyari sa akin

MA at PAni Rommel Placente SA  isang interview ni Heart Evangelista, tinanong siya tungkol sa isyu …

Vice Ganda MMFF

Vice Ganda nangako makikiisa promosyon ng MMFF movie sa mga sinehan at   probinsiya

MA at PAni Rommel Placente NITONG  Martes ay inanunsiyo ng screening committee ng Metro Manila Film …