Tuesday , July 16 2024
Quezon City QC
Quezon City QC

54 katao huli sa paglabag sa health protocols sa QC

NAARESTO ng mga operatiba ng Eastwood Police Station 12, ng Quezon City Police District (QCPD) ang 54 katao dahil sa paglabag sa health protocols at mga ordinansa sa lungsod.

Kabilang sa mga naaresto sina Felixberto Reli, 35, residente sa Fairlane St., West Fairview, QC; Ramie Bunda, 49, ng Ma. Clara St., Brgy. III Caloocan City; Marcial Saturnino, 23, ng Upper Bicutan, Taguig City, at Adelaida Cabinatar, 55, naninirahan sa Rosario, Pasig City.

Ayon kay P/Lt. Col. Cristine Tabdi, station commander ng PS 12, nagsagawa ang kaniyang mga tauhan sa pamumuno ni P/Lt. Roselyn German ng checkpoint, oplan-sita, galugad, bulabog, upang estriktong ipatupad ang minimum health protocols at Quezon City Ordinances na may kaugnayan sa IATF Guidelines.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip ng 54 katao na ang ilan ay dahil sa hindi maayos ang pagsusuot ng face mask, habang ang iba naman ay lumabag sa traffic ordinances at inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVR).

Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa Quezon City Ordinances.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Alice Guo

Guo bigong maaresto ng senado

BIGO ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSSA) na madakip si Bamban …

071524 Hataw Frontpage

Sa gitna ng krisis sa ekonomiya at kahirapan  
‘P32-B STADIUM’ SA CLARK KINONDENA

KINONDENA ng isang militanteng partylist ang iminungkahi ng administrasyong Marcos na magtayo ng isang dambuhalang …

071524 Hataw Frontpage

Sekyu lulong sa casino
P.8-M SINIKWAT SA VAULT, ONLINE BINGO SINUNOG

ni Rommel Sales ARESTADO ang isang security guard matapos sunugin at pagnakawan ang pinagtatrabahuang online …

Francis Tolentino

Sakripisyo, galing, at husay ng Pinoy nurses kinilala
Tolentino tiniyak PH Nursing Act of 2022 mahigpit na tututukan

PINURI ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy nurses hindi lamang …