Saturday , January 11 2025

News

Pinansiya ng terorista, pipilayan ng gobyerno

PIPILAYAN ng gobyerno ang kakayahang pinansiyal ng mga tinaguriang terorista sa pamamagitan ng Anti-Terror Council (ATC).   Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pagsasapubliko ng ATC ng terror list kahapon na nagtataglay ng mga pangalan ng umano’y 19 na matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), at 10 miyembro ng Abu Sayyaf …

Read More »

Macaraeg sa SPD Director, Cruz new CALABARZON chief

pnp police

PORMAL nang ipinasa ni P/BGen Eliseo Cruz ang pamumuno sa Southern Police District (SPD) kay P/BGen. Jimili Macaraeg nitong Martes, 11 Mayo.   Si P/BGen. Macaraeg ay dating SPD Deputy director na pinamumunuan ni P/BGen. Eliseo Cruz, kamakalawa pormal inilipat sa una ang pamumuno SPD.   Mula SPD malilipat si Gen. Eliseo Cruz sa Region 4A o Calabarzon.   Kapwa …

Read More »

Taguig nagbabala vs ‘pekeng’ online slot ng bakuna

CoVid-19 vaccine taguig

BINALAAN ng Taguig City government ang mga residente na huwag maniwala sa mga nag-aalok sa online ng slot para sa CoVid-19 vaccine sa lungsod kung hindi naman sila kabilang sa ‘confirmed slots’ mula sa Taguig TRACE system.   Hindi gumagamit ng social media para sa appointment at confirm schedules ang vaccination program ng lungsod.   Muling ipinaalala ng lokal na …

Read More »

2 kritikal sa pamamaril sa Navotas at Malabon

gun shot

DALAWANG lalaki ang nasa malubhang kalagayan makaraang mabiktima ng pamamaril noong araw ng Martes sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.   Kritikal ang kalagayan sa Tondo Medical Center (TMC) ng unang biktimang si Lucino Laguros, 54 anyos, tricycle driver at naninirahan sa Area 3 Labahita St., Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng tama ng bala …

Read More »

2 trike driver huli sa P84K ilegal na droga

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naarestong suspek na sina Roberto Calixto, 54 anyos, residente sa B24 L4 2nd St.; at Allan Almario, 40 …

Read More »

Pamamahagi ng 2021 ECQ ayuda tapos na sa Maynila

Manila

NAIPAMAHAGI na ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa 380,820 benepisaryo ang tig-P4,000 ECQ cash assistance mula sa national government.   Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Lungsod ng Maynila ang kauna-unahang LGU na nakatapos ng distribusyon ng ayuda sa buong National Capital Region.   Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, hangad ng …

Read More »

Baseco beach nanatiling no swimming zone

NANATILING sarado sa publiko ang Baseco beach sa Maynila.   Ayon kay P/Lt. Philip Fontecha, Police Community Precinct 13 commander, bawal pang maligo ang mga residente kahit summer na.   Hangga’t wala aniyang utos si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mananatiling bawal ang paliligo sa Baseco beach.   Gayonman, sinabi ni Fontecha, pinapayagan naman ng kanilang hanay ang mga residente …

Read More »

Wanted na carnapper nasakote sa Maynila (10 taong nagtago)

arrest prison

ARESTADO ang isang lalaking wanted sa carnapping matapos ang halos 10 taong pagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila.   Taong 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47 anyos.   Ayon kay P/Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala ang lalaki sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod.   Palipat-lipat din umano ang …

Read More »

Sayyaf nalambat ng NBI QC base

npa arrest

NADAKIP ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang operasyon sa Maharlika Village, Taguig City ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) – Counter Terrorism Division na nakabase sa Quezon City.   Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang ASG member na si Wahab Jamal, alyas Ustadz Halipa. Siya ay nadakip nitong 7 Mayo …

Read More »

11 suspek nalambat ng PDEA3 (2 drug den sa Angeles City sinalakay)

NALAMBAT ang 11 indibidwal na hinihinalang pawang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at pagmamantina ng drug den sa serye ng pagsalakay sa dalawang drug den nitong Martes ng gabi, 11 Mayo, ng mga kagawad ng PDEA3 sa pakikipag-ugnayan sa Angeles City PNP, sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.   Kinilala ni PDEA3 Director Christian Frivaldo …

Read More »

Siklista patay sa ‘epileptic’ na AUV driver (Nahati ang katawan)

KAHILA-HILAKBOT ang naging kamatayan ng isang siklista nang mahati ang katawan matapos masagasaan ng isang AUV sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1o Mayo.   Nabatid sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang bisikleta ang biktimang kinilalang si Tani Cruz nang sagasaan ng isang AUV, may plakang ZKX 667.   Sa tindi ng pagkasagasa sa biktima, nagkalasog-lasog …

Read More »

Trillanes 2022 (Para sa survival ng bansa)

PUNTIRYA ni dating Senador Antonio Trillanes IV na maging susunod na presidente ng Filipinas pagbaba sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.   Ayon kay Trillanes, nais niyang maging standard bearer ng opposition coalition 1SAMBAYAN bilang kapalit ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.   Nagpasya si Trillanes at ang Magdalo Group na sabihin sa 1SAMBAYAN ang balak …

Read More »

NEA chief kinasuhan ng PACC (Partylist group pinondohan ng pera ng bayan)

ni ROSE NOVENARIO   SINAMPAHAN ng kaso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong dahil sa pagbalewala sa paggamit ng pondo ng bayan para tustusan ang kampanya ng isang partylist group.   Ayon kay PACC chairperson Greco Belgica, naghain online ang PACC ng kaso laban kay Masongsong.   Batay sa resulta ng imbestigasyon ng …

Read More »

‘Terror list’ ng ATC ilalabas ngayon

ISASAPUBLIKO ng Anti-Terrorism Council (ATC) ngayon ang listahan ng mga pangalan ng mga indibiduwal na itinuturing ng gobyerno bilang terorista.   Inihayag ito kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa kanyang pagharap sa oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong ipawalang bisa ang Anti-Terrorism Act ( ATA).   “There is a resolution of the Anti-Terrorism Council …

Read More »

4.3-M estudyante pre-registered na para sa SY 2021-2022 — DepEd

deped

BINUBUO ng mga estudyante mula sa kindergarten, grade 1, 7 at 11 ang 4,300,000 nagparehistro sa pre-registration para sa School Year 2021-2022.   Tiniyak ni Department of Education Undersecretary Jesus Mateo, mula sa kindergarten, grade 1, grade 7 at grade 11 ang mga mag-aaral na nakapagparehistro na.   Aniya, halos 95% sa bilang na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral …

Read More »

Mayor Tiangco nabakunahan na ng 2nd dose

NAKOMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang coronavirus disease 2019 (CoVid-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy.   “Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makompleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa CoVid-19. Kailangan pong makompleto ang first at …

Read More »

Lolo, 8 kelot huli sa tupada

Sabong manok

ISANG lolo kabilang ang walong kalalakihan, ang nasakote ng Oplan Galugad nang maaktohang nagsasabong sa isang tupadahan sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni Malabon city police chief, Col. Joel Villanueva, ang mga inaresto na sina Nestor Cator, 62 anyos, Roger Garcia, 47 anyos, Edison Ybañez, 33 anyos, Joel Toñacao, 54, Ronilo Peronilo, 35, Arman Enmil, 32, Rico …

Read More »

2 MMDA traffic enforcers sibak sa extortion

MMDA

SINIBAK sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang ginawang pangingikil.   Kinilala ang dalawang enforcer na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, na kapwa guilty sa kasong extortion at grave misconduct. Napag-alaman nakunan ng video ang dalawa noong 23 Abril 2021 na nanghihingi ng halagang P1,000 …

Read More »

Babaeng nabundol ng fire truck nabulag

road accident

NASAGASAAN ng fire truck ng Bureau of Fire Protection ang 31-anyos babae nitong Linggo ng gabi sa bayan ng Pateros.   Sinabing ligtas na ang biktimang si Annie Tiar ngunit kinailangang operahan upang tanggalin ang labis na napinsalang mata.   Kinilala ang suspek na si FO2 Ramon Lactao II, 36 anyos, nakatalaga sa Pateros Fire Station, kasalukuyang nasa kustodiya ng …

Read More »

Tulak dinakma ng parak sa buy bust

shabu drug arrest

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.1 milyong hinihinalang shabu mula sa isang drug suspect na naaresto kamakalawa sa Makati City.   Nasa kustodya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Ernesto Macaraig, Jr., 38 anyos.   Base sa report …

Read More »

Kalalayang Chinese na drug ex-offender todas sa ambush

dead gun police

PATAY ang isang Chinese national na kalalaya pa lamang sa kulungan habang kasama ang isang babaeng paralegal staff sa loob ng isang taxi nitong Lunes ng gabi sa Parañaque City.   Hindi umabot nang buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima na kinilalang si Wang Teng Shou, nasa hustong gulang at residente sa Malate, Maynila, may mga tama ng bala …

Read More »

Muslim group sumugod sa Manila City Hall (Akala may ayuda)

ILANG grupo ng mga Muslim ang napasugod sa labas ng City Hall sa lungsod ng Maynila kahapon.   Ito’y upang pumila para makakuha ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.   Dahil dito, nabigla ang mga nagbabantay sa entrance ng Manila City Hall kaya’t nagpatulong sila sa mga pulis para masigurong nasusunod ang inilatag na health protocols. Pero ayon sa …

Read More »

3 tulak timbog drug bust (Sa Angeles City, Pampanga)

NASAKOTE ang tatlong suspek na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa inilatag na drug bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Police Station 3 ng Angeles City Police Office nitong Lunes, 10 Mayo, sa Purok 5B, Citi Center, Brgy. Pandan, Angeles City, Pampanga.   Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan, hepe ng Angeles City Police Office, …

Read More »