Friday , May 27 2022
Jodi Sta Maria Leni Robredo Kiko Pangilinan Chel Diokno 2

Jodi ‘di ininda ang init, nagbahay-bahay para kina Robredo, Kiko, at Diokno

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG nakapigil kay Jodi Sta. Maria para magbahay-bahay para ikampanya ang tatlong kandidatong pinaniniwalaan niyang karapat-dapat manalo sa darating na halalan.

Nag-ikot si Jodi kasama ang iba pang volunteers sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan, at human rights lawyer Chel Diokno, na tumatakbo bilang pangulo, bise presidente, at senador, ayon sa pagkakasunod.

“This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for,” anang aktres.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink,” sambit pa niya.

Iginiit din ni Jodi na hindi niya ginagawa ito para sa sarili kundi para sa mga Filipino at para sa Pilipinas.

“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, itong mga bagay na ginawa ko, para sa Pilipinas,” aniya.

Sinabi pa ni Jodi na nakikita niya ang core values sa tatlong kandidato kaya naman ito ang mga sinusuportahan niya. 

 “Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate roon sa mga core values na napaka-importante sa akin bilang tao,” paliwanag ni Jodi.

“Importante sa akin ang pagiging matapat, importante sa akin ang pagiging hardworking, importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila ko nakikita iyong mga katangian na pinahahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat,” dugtong pa niya.

Nagpasalamat naman si Jodi sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Tumana.

“Nakatutuwa kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging mga suplado or hindi kami napansin pero they’re very open, they’re very open to listen to what we have to say,” wika niya.

Nagpahayag kamakailan si Jodi ng suporta kay Atty. Chel sa pamamagitan ng post sa social media.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …

Vice Ganda

Nasaan na nga ba si Vice Ganda?

HEY! Hey! Hey! What happened na sa mga artistang sumampa sa entablado with matching grand …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …