Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEX
ni Jun Nardo

KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA Primetime Queen.

Todo-giling, kembot, at landi sina Marian at Chanty habang umiindayog sa sumikat na kanta at sayaw.

Isa sa Dance Authority si Yan sa nasabing dance show. Eh may karapatan naman siya sa title dahil sa kaalaman niya sa pagsayaw.

At least, hindi naman nagpakabog si Chanty na humataw nang todo kasabay si Yan.