Saturday , January 11 2025

News

Pekeng NBI arestado sa karnap at droga

arrest prison

KALABOSO ang isang negosyanteng nagpang­gap na National Bureau of Investigation (NBI) agent dahil sa kasong carnapping at pagda­dala ng hinihinalang ilegal na droga, at baril nitong Sabado ng gabi sa Pasay City. Kinilala ni Pasay city police chief, Col. Cesar Paday-os ang suspek na si Mark Rovel De Ocampo, 41 anyos, residente sa Meadowoods Executive Village, Bacoor, Cavite. Nahaharap sa kasong …

Read More »

Nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer (Bus driver kulong)

gun shot

KALABOSO ang isang tsuper ng bus matapos tutukan ng dalang pellet gun ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prankisa sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon city police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Roger Trabajales, ng Tolentino St., Tagaytay City, Cavite na nahaharap sa kasong Grave Threat …

Read More »

P1.3-B pekeng yosi, nasamsam 5 tauhan ng sindikato timbog sa sinalakay na factory

TINATAYANG nasa P1.3 bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga materyales ang nakompiska, habang limang mga tauhan ng sindikato ang naaresto sa pagsalakay ng PRO3-PNP sa dalawang factory sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong nakaraang Huwebes, 24 Hunyo. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Vale­riano De Leon, dala ang mission order ay sinalakay ng mga kagawad ng Criminal and …

Read More »

Nationwide death squads pinalagan

ni ROSE NOVENARIO PUMALAG ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang civilian groups at anti-crime volunteers para tumulong sa mga awtori­dad na labanan ang krimi­nalidad dahil magrere­sulta ito sa walang habas na patayan. Sa kalatas ng KMP ay hinimok ang publiko na tutulan ang pakana ni Pangulong Duterte na gawing private army at …

Read More »

Saklolo ni VP Leni sa bakuna walang politika — Solon

HATAW News Team WALANG nakikitang masama si Cagayan de Oro (CDO) Rep. Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang local governmemt units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang CoVid-19 Vaccine Express. Sa panayam ng RMN network kay Rodriguez, ipinaliwanag niya na kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi …

Read More »

‘Wattah Wattah’ festival tuloy sa San Juan (Basbasan hindi basaan)

INIANUNSIYO ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Miyerkoles, 23 Hunyo, tuloy ang pag­diriwang ng lungsod ng taunang Wattah Wattah Festival ngayong araw, 24 Hunyo, sa gitna ng pandemyang CoVid-19 liban sa tradisyonal na basaan sa mga dumaraan at mga motorista. Nilagdaan ni Zamora ang Executive Order No.84 na nagbabawal sa tradisyonal na basaan sa pagdiriwang ng pista upang …

Read More »

P1.2-M droga nasamsam sa 3 HVT arestado

shabu

NADAKIP ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operation ang tatlong high value target (HVT) at nakuha sa kanila ang higit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 22 Hunyo. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mark Gil Busa, Abdulah Ebrahim, alyas Boss, at Khalid Omar Latip, pawang nasa drug …

Read More »

7 suspek tiklo sa Bulacan (Buy bust vs smuggled ‘yosi’ ikinasa)

SA SERYE ng buy bust operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nadakip sa magkakahiwalay na bayan ang pitong hinihinalang nasa likod ng pagpupuslit ng mga sigarilyo, nitong Martes, 22 Hunyo. Isinagawa ang ope­rasyon ng magkasanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Doña Remedios Trinidad (DRT) Municipal Police Station sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, at …

Read More »

Pag-iibigan sa Cebu nagsimula sa tabo, viral sa social media

NAG-VIRAL ang kuwento ng mag-asawa matapos nilang i-post sa social media ang kanilang wedding photo at gunitain kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan siyam na taon na ang nakalilipas. Ayon kay Jolo Argales, 31 anyos, nanghiram sa kanya noon ng tabo ang asawa na niya ngayong si Rain Capuyan, 30 anyos, sa Cebu kung saan sila ngayon nakatira. Nang magkakilala …

Read More »

Bayanihan, hindi kulungan, gabay sa bakuna — Solon

KULTURA ng Bayanihan, at hindi ang takot na maaresto kapag tumanggi sa bakuna, ang dapat mangi­babaw upang maging ganap na mata­gumpay ang pagbabakuna sa mga Filipino laban sa CoVid-19. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat maisip ng publiko na higit na mahalaga ang bakunang kanilang matatanggap dahil siguradong protek­siyon ito, hindi lamang sa kanila kundi sa mga taong makasasalamuha nila – …

Read More »

Peace covenant sa NCRPO nilagdaan (Sa Las Piñas)

ISINAGAWA kahapon sa lungsod ng Las Piñas ang dialogue at paglagda sa Peace Covenant sa pagitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Muslim leaders. Dumalo ang NCRPO sa pamayanang Muslim sa siyudad ng Las Piñas bilang bahagi ng peace covenant o mapayapang kasunduan, kapayapaan na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, at makakuha ng suporta laban sa terorismo. Sinabi ni …

Read More »

Suspensiyon sa tserman sa CoVid-19 super spreader event inaabangan

TILA kontrapelo ang dalawang mataas na opisyal ng lungsod ng Caloocan sa magiging kapalaran ni Brgy. 171 Chairman Romy Rivera kaugnay sa kasong may kaugnayan sa insidente sa Gubat sa Ciudad resort, itinuturing na super spreader event ng CoVid-19. Sa panig ni Councilor Dean Asistio, chairman ng Committee on Good Government and Justice ng Sangguniang Panglungsod, tiniyak nito na hindi na …

Read More »

Moderna anti-CoVid-19 vaccines dumating na

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Washington DC, United States of America (USA) na aabutin hanggang sa Disyembre 2021 ang delivery ng Moderna CoVid-19 vaccines sa Filipinas. Partikular ang P20-milyong doses ng Moderna na donasyon ng Amerika sa Filipinas. Inilinaw ng Embahada, ang naturang mga bakuna ay ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang unang batch ng naturang mga bakuna …

Read More »

3 medical experts mula Israel dumalaw sa Parañaque

BINISITA ng tatlong medical experts mula sa Israel ang Solaire vaccination hub sa lungsod ng Parañaque. Ang tatlong medical experts ay kinilalang sina Dr. Avraham Ben Zaken, Dr. Adam Nicholas Segal, at Dr. Dafna Segol. Kasama ng medical experts sina vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr., Testing Czar Sec. Vince Dizon, Sec. Harry Roque at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. …

Read More »

6 tulak ng droga tiklo (P.7-M shabu sa Vale)

shabu drug arrest

ANIM na hinihinalang tulak ng droga ang naaresto  makaraang makuhaan ng mahigit sa P.7 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong 3:00 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …

Read More »

Mensahe kay Treñas: “F” pa rin tayo — Roque

ITINUTURING pa rin ni Presidential spokesman Harry Roque na kaibigan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas kahit sinabi ng alkalde na mas mabilis ang kanyang bunganga kaysa utak. Inihayag ito ni Roque kasunod ng panayam kay Treñas sa programang Sa Totoo Lang sa Radyo Singko kamakalawa na binatikos ang kanyang paninisi sa mga residente ng Iloilo City na sumusuway sa …

Read More »

Panelo palso sa aresto vs anti-vaxxer — law experts

SABLAY ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na alinsunod sa Saligang Batas ang pagdakip ng mga awtoridad sa mga taonga yaw magpa­bakuna. Ayon kay dating Supreme Court spokesman at law professor Theodore Te sa isang tweet, tanging hukom lamang, sa pamamagitan ng isang warrant of arrest,  ang puwedeng mag-utos na arestohin ang isang tao. Hindi aniya krimen …

Read More »

VisMin, Davao target ng Covid vaxx express ni VP Robredo (Sa hiling ni PMP solon Rodriguez )

HATAW News Team WALANG paki si Bise Presidente Leni Robredo akusahan man siyang ‘namomolitika’ ni Davao city mayor Sara Duterte para sa 2022 elections, matapos niyang punahin na ‘kulelat’ ang huli sa pagtugon sa mapa­nalasang pandemya dulot ng CoVid-19. Resulta ng ‘kulelat’ na pagtugon ang mataas na kaso ng virus sa Davao, kaya nangako si VP Leni na dadalhin ng …

Read More »

Mag-utol, nasakote sa Vale (Most wanted sa Northern Samar )

arrest prison

NADAKIP ang mag-utol na tinaguriang most wanted sa probinsiya ng Northern Samar na tinaguriang “top most wanted” sa nasabing lugar sa Valenzuela City, sa magkasunod na oras kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Valenzuela City police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., ang suspek na si Beltran Cerbito, 55 anyos, Top 3 most wanted persons ng Northern Samar sa tinitirahan nitong …

Read More »

Ex-traffic enforcer sa Malabon buking (Motorista sinisita)

arrest posas

ARESTADO ang isang dating job-order traffic enforcer na natanggal sa serbisyo na naaktohan ng mga pulis na nanghuhuli ng mga motorista sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Mike Jefferson Santelics, 39 anyos, residente sa Atis Road, Brgy. Potrero ay nakasuot ng uniporme ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) …

Read More »

97% ng CoVid-19 patients sa Quezon City gumaling na

INIANUNSIYO ng pamahalaang lokal ng Quezon City na umabot na sa 97,714 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa CoVid-19 sa lungsod.   Sa pinakahuling datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), 97.1% mula sa 100,614 nagkaroon ng CoVid-19 ang gumaling na o itinuturing na recovered.   Umabot sa 362,244 ang itinuturing na suspected CoVid -19 cases matapos ang …

Read More »

39 ‘phishing scammers’ arestado sa QC

thief card

NADAKMA ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at District Anti-Cyber Crime Unit (DACCU) ang 39 katao na sinabing sangkot sa ‘phishing scam’ target ang mga foreigner sa isinagawang raid sa Quezon City, nitong Sabado   Nakatanggap umano ang mga awtotidad ng impormasyon na ang mga suspek ay nagsasagawa o nag-o-operate ng ‘phishing scam scheme.’ Target nitong …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa landslide sa Davao de Oro

BINAWIAN ng buhay ang isang 70-anyos babae habang sugatan ang dalawang iba pa sa naganap na pagguho ng lupa sa Purok 22, Brgy. Mt. Diwata, sa bayan ng Monkayo, lalawigan ng Davao de Oro, nitong Lunes ng hapon, 21 Hunyo.   Ayon kay Alicia Cabunoc, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, Martes ng umaga (22 Hunyo) nang marekober ang …

Read More »