Saturday , May 21 2022
Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALK
ni Pilar Mateo

WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica?

Tinanong ko si Aljur sa contract signing at storycon ng bago niyang pelikulang The Revelation kung binati na ba niya ang kanyang “ama?” 

Ani Aljur sa kanyang post ipahahatid nang personal ang pagbati kay Robin sa pagka-panalo nito.

“He deserves to be number one!” saad ni Aljur.  Naiintindihan din naman niya ang ibang nag-doubt sa kakayahan nito. 

“And I know he can endure it! He has the heart. Na may talino at may puso sa kanyang gagampanan ngayon. Sa tunay na buhay.”

Sila ng kapatid na si Vin ang kinuha ni direk Ray-An Dulay at ng kanyang team sa Hand Held Entertainment Productions at House of Prime Films para sa The Revelation na makakasama sina Ana Jalandoni at Jelai Andres.

Aljur Abrenica Vin Abrenica Ana Jalandoni Jelai Andres

Ang masasabi naman ni Vin kay Robin, “I don’t have a personal relationship with Tito Robin. But I hear, he has a good heart. Alam na natin sa showbiz world ang mga tinutulungan niya.”

Sa pagkumusta sa personal na mga buhay ng magkapatid, enjoy ne anjoy si Vin sa 13 months old baby girl nila ni Sophie. Sa pamilya nila, ito ang pinaka-prinsesa bilang unang babaeng apo.

“Mas pinili ko talaga na unahin ang pamilya ko. Lalo na nang dumating na ang baby namin. Hindi ako tumanggap ng projects dahil ginusto ko na maging hands-on sa simula ng pagpapalaki sa kanya. Kaya, take turns kami sa pag-aalaga sa kanya. And that time, pandemic na rin.”

Si Aljur naman,  mas masaya na sa palagayan nila ngayon ni Kylie Padilla. Madalas na silaag-usap para da mga bata.

We have a healthy relationship when it comes to parenting.”

Si AJ Raval naman na maraming nai-reveal nang makausap namin sa premiere ng Kaliwaan ay nagsabi rin sa estado ng “relasyon” nila.

Natatawa si Aljur sa mga kinukompirma naming mga ibinahagi ni AJ tungkol sa kanila.

“We keep each other grounded. Siya pa nga ang nagpapaalala sa akin kung nakakausap ko ba o nadadalaw ang mga anak ko. Minsan, kahit may date kami, mas ipapauna niya na puntahan ko ang mga bata. So mature for her age.”

Nilinaw na rin ni Aljur, gaya ng sabi rin noon ni AJ na wala itong kinalaman sa pagtanggi ni AJ na magbida sa Scorpio Nights. Wala raw ganoon sa kanila.

Si Vin, hindi na maaatim na magpakita ng butt sa panahong ito, alang-alang sa kanyang baby girl. Naging endorser naman na siya ng isang undergarment.

Si Aljur, kung kailangan daw na ipakita ang T….toot! niya eh, depende pa rin sa magugustuhan niyang istorya.

Ewan! Nabingi ako sa tilian kay Aljur when he mentioned that T word!

O, ang The Revelation na planong ibando nina direk sa international arena  na iikot sa film festivals ay tungkol sa movie discovery ng isang  long time well-kept dark secret na magri-reveal pa ng unexpected dark persona ng bida.

Said screenplay writer Joyzel Dulay, “It is a full pack, fast phase, sexy crime psychological suspense thriller  ng mga character na  unknowingly ay may interconnected lives, on different capacities, kung saan they have paved the path in uncovering series of interrelated truths.”

Marami kaming na-unearth sa storycon at contract signing ng artists.

Talagang binusisi at ayaw nila na ma-bash sila kaya umabot na sa 8th revision ang script. Pero simula na next week ang filming nila in Tagaytay. 

About Pilar Mateo

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

Kris Aquino

Kris sinupalpal mga nagpapakalat na agaw buhay na siya

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris …

Ejay Falcon Rhea Tan Beautederm Jana Roxas

Pagkapanalo ni Ejay ikina-proud ni Beautederm CEO Rhea Tan 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PROUD ate si Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa itinuturing niyang …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …

Heart Evangelista

Heart nagpakatotoo inaming nakipag-one night stand

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman si Heart Evangelista.  Game na game kasi siya na …