Sharon Cuneta Regine Velasquez

Regine nag-itim ng profile sa IG; Sharon natahimik 

I-FLEX
ni Jun Nardo

KULAY itim ang profile sa Instagram hanggang kahapon ni Regine Velasquez-Alcasid na walang caption.

Nagtaka siyempre ang ilan sa followers ni Songbird kaya may tanong na, “Anong nangyari?” Eh kapag black ang profile sa social media, may pumanaw.

Eh ‘yung nakaiintindi, yakap at pasasalamat sa pagtindig ang komento. Supporter ni VP Leni Robredo si Regine at may kinalaman ang black profile sa resulta ng eleksiyon.

Pero may isang netizen na nagkomento ng, “Panalo naman si Robin Padilla leading man mo. Ok lang.”

Ang sobrang tahimik naman ngayon  sa kanyang IG ay si Sharon Cuneta. Mas maingay pa  sa kanya ang anak niyang si Frankie Pangilinan, huh!