Monday , May 16 2022
L sign Loser Vote Election

Kilalanin ang mga artistang luhaan sa 2022 election

MATABIL
ni John Fontanilla

KUNG may mga artistang pinalad na manalo sa katatapos na halalan, marami rin ang umuwing luhaan o natalo.

Ilan sa mga hindi pinalad ay si Manila mayor Isko Moreno Domagoso at Sen. Manny Pacquiao na parehong tumakbo sa pagka-Pangulo. Talo rin si Senate President Tito Sotto na tumakbong vice presidente, ganoon din sina Monsour del Rosario, Rey Langit, at Herbert Bautista na tumakbong senador.

Bigo ring maging gobernador ng Laguna si Sol Aragones at gobernador ng Camarines Sur si Jukebox Queen Imelda Papin. Habang ‘di rin pinalad si Jerico Ejercito na tumakbo namang Vice Governor ng Laguna.

Talunan din sa  pagkakongresista sina  Richard Yap (Cebu City), Rommel Padilla (Nueva Ecija), at Angelica Jones  (Laguna). Pati na rin sina Alvin Patrimonio na tumakbong mayor sa Cainta, Rizal; ER Ejercito (mayor, Calamba, Laguna); Arnold Vegafria (mayor, Olongapo City); Teri Onor (vice mayor, Abucay, Bataan); at Raymond Bagatsing (vice mayor, Manila).

Hindi rin nakapuwesto at natalo sa pagkakonsehal sina Claudine Barretto (Olongapo City), Roderick PaulateMelissa Mendez, Bobby Andrews, Hero Bautista, at Ali Forbes (Quezon City); Arci Muñoz (Cainta, Rizal); Dennis Padila (Caloocan City); at Inday Garutay (San Juan).

About John Fontanilla

Check Also

Aiko Melendez Marthena Melendez Jickain

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng …

Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na …

Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PAni Rommel Placente ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang …

Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica? Tinanong ko si …

Robin Padilla Kylie Padilla

Kylie ipinagmalaki si Robin — Parte ng pagkatao niya ang tumulong

HARD TALKni Pilar Mateo OO na! Kahit ano pa ang gawin at sabihin natin, milya-milya …