DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos tambangan ng dalawang armadong suspek na sakay din ng motorsiklo sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng umaga, 6 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Isagani Enriquez, acting chief of police ng San Rafael MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, …
Read More »Sa San Rafael, Bulacan
Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay
BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis na napatay sa anti-drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga noong Sabado, 3 Disyembre. Inalalayan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang hepe ng pambansang pulisya sa paghahatid ng kanilang pakikiramay at pag-aabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni P/SMSgt. Sofronio Capitle, …
Read More »Kuweba sa Kalinga gumuho minero natabunan, patay
HINDI nakaligtasang isang 35-anyos minero nang matabunan sa kinaroroonang kuweba sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, bayan ng Pasil, lalawigan ng Kalinga nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ng Pasil MPS ang biktimang si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35 anyos, binata, at residente sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, pumasok ang minero sa “minahan ng bayan” dakong 3:00 pm noong Sabado, 3 …
Read More »Nahulog na tsinelas sinagip, 11-anyos totoy nalunod
BINAWIAN ng buhay ang isang bata sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, nang malunod sa irigasyon habang nagtatangkang kunin ang nahulog niyang tsinelas nitong Sabado, 3 Disyembre. Kinilala ang biktimang si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student. Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa naturang irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado …
Read More »
Sa Cebu City
P12-M ARI-ARIAN NAABO SA 2 SUNOG
TINATAYANG higit sa P12-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa dalawang magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Cebu nitong Linggo, 4 Disyembre. Naganap ang unang sunog pasado 1:00 am sa Brgy. Mambaling, hindi bababa sa 150 bahay ang naabo. Umabot ng higit dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay sunog ang apoy. Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, …
Read More »23 law breakers sa Bulacan inihoyo
ARESTADO ang 23 kataong pawang mga lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, narekober ang halagang P170,000 hinihinalang shabu ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang San Jose del Monte CPS sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. …
Read More »
Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’
KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata nang tangayin ang motorsiklo ng isang residente sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang may-ari ng ninakaw na motorsiklong si Degie Gisalan, residente sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan. Naganap ang pagnanakaw dakong …
Read More »
Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN
AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng bala ng apat na hindi kilalang mga suspek sa isang karinderya sa National Highway, sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Tunga, lalawigan ng Leyte, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang mga napaslang na biktimang sina Benjamin Balais at Ace Sonorio, kapwa mga residente sa …
Read More »
P.3-M droga nasabat
2 HVT arestado sa Rizal
NADAKIP ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang mga tulak at nakatala bilang high value target sa ikinasang anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat ni P/SSgt. Ederico Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala …
Read More »
Sa Cagayan
MAG-ANAK, KAPITBAHAY PATAY 8 SUGATAN SA 3 SASAKYANG NAGBANGGAAN
BINAWIAN ng buhay ang tatlong magkakaanak at kanilang kapitbahay habang sugatan ang walong iba pa, sa banggaang sangkot ang dalawang tricycle at isang sports utility vehicle sa National Highway, bayan ng Gonzaga, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 3 Disyembre. Kinilala ng PRO2 PNP ang mga biktimang sina Donato at Marineth Barsatan ng Brgy. Malumibit Sur, Flora, ang kanilang …
Read More »10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan
MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng …
Read More »
Sa Mabalacat City, Pampanga
3 SUSPEK SA PAGPASLANG SA DALAWANG PULIS TIKLO
ILANG oras matapos mapatay ang dalawang pulis sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 3 Disyembre, nasukol ang tatlo sa limang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kamakalawa ng tanghali ang pagkakadakip sa tatlong pangunahing suspek sa krimen na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44 anyos, ng Xevera …
Read More »
Sa Batangas City
KALSADA BUMIGAY SA HUKAY NG ITINATAYONG POWER PLANT
BUMIGAY ang bahagi ng isang kalsada sa Brgy. Dela Paz, sa lungsod ng Batangas, nang humina ang pundasyon nito dahil sa patuloy na paghuhukay para sa itinatayong power plant nitong Martes, 29 Nobyembre. Ayon sa imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), bumigay ang pundasyon ng kalsada sa ilalim nito at rumagasa ang tubig mula sa dagat patungo …
Read More »
Magulang, pedestrian sugatan sa sumemplang na motorsiklo
SANGGOL NAGULUNGAN NG DUMP TRUCK, PATAY
PATAY ang isang 7-buwang gulang na sanggol nang magulungan ng isang dump truck habang sugatan ang kanyang mga magulang nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo matapos iwasan ang isang tumatawid na babae sa Sitio Pukatod, Brgy. Payao, sa bayan ng Binalbagan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 29 Nobyembre. Binawian ng buhay ang sanggol na babae habang sugatan ang kanyang mga …
Read More »
Sa Bulacan
2 DRUG DEN SINALAKAY, 9 TULAK NAKALAWIT
NABUWAG ng pulisya ang dalawang drug den sa lalawigan ng Bulacan matapos salakayin at maaresto ang mga sinabing ‘operators’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm kamakalawa nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS …
Read More »
Sa Guyong triangle
74-ANYOS LOLA SINORO NG DUMP TRUCK, PATAY
BINAWIAN ng buhay at halos nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 74-anyos lola nang masoro ng isang dump truck sa sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Gloria San Jose, 74 anyos, nangangalakal at residente sa Sitio Marjanaz, Brgy.Guyong, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dakong …
Read More »
Kumuha ng police clearance,
MISTER ARESTADO SA 6 TAX CASES
INARESTO ang isang mister nang madiskubreng may nakabinbing siyang warrant of arrest habang kumukuha ng national police clearance sa Valenzuela City. Kinilalala ang akusado, nasa talaan ng most wanted persons (MWP) na si Ralph Joseph Alejandrino, 35 anyos, residente sa Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod. Kaugnat nito, pinapurihan ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, …
Read More »
Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO
IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa puwesto sa apat na enforcers ng Field Enforcement Division (FED) sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pangongotong. Ito ay matapos kumalat sa social media ang video ng mga enforcer na tangkang nangingikil ng P8,000 sa motorista na kanilang sinita sa LTO checkpoint sa bayan ng …
Read More »
Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO
MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kasabay ng pag-aabot ng tulong sa dalawang sugatang pulis na kasalukuyang naka-confine sa Bulacan Medical Center sa lungsod ng Malolos. Pinapurihan ng PRO3 PNP at Bulacan PPO ang katapangan nina P/Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng 3rd Maneuver …
Read More »
Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR
SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka tumaob sa Brgy. Caningay, bayan ng Candoni, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 28 Nobyembre. Kinilala ang mga nasugatang alagad ng batas na sina Pat. Jerome Tolentino, Pat. Joey Bana-ag, Pat. Erick Abela, Pat. Immam James Apucay, Pat. Jared King Dadivas, Pat. Bryan Ambajan, P/Cpl. …
Read More »
Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN
PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at tagaan dahil sa alitan sa lupa sa Sitio Kiabacat, Brgy. Songco, sa bayan ng Lantapan, lalawigan ng Bukidnon, nitong Linggo, 27 Nobyembre. Kinilala ng Bukidnon PPO ang mga namatay na biktimang sina Rocky Cruz, 33 anyos; Rachel Cruz, 19 anyos; at Winlove Sinto, 30 anyos, …
Read More »Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,
TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang mauwi sa enkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isa sa kanila ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Maligaya, sa bayan ng San Miguel, nitong Lunes ng madaling araw, 28 Nobyembre. Sa ulat …
Read More »
Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS
MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo ng paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibinebenta sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Lea Alapide, Presidente ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks …
Read More »‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’
ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang tapat nitong Biyernes, 25 Nobyembre, sa Purok Kingfisher A, Brgy. 16, lungsod ng Bacolod, matapos magbenta ng pekeng shabu nitong Huwebes, 24 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na ‘tulak’ na si Mark Christian John Luceño, 31 anyos, residente sa Brgy. 35, sa nabanggit na …
Read More »Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga
PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain ng amok na kapitbahay sa Purok Himaya, Brgy. Maquiling, lungsod ng Sagay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 26 Nobyembre. Kinilala ang napaslang na biktimang si Gelly Recodo, 58 anyos; at kanyang sugatang pamangkin na si Bernalyn Abranilla, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. …
Read More »