Thursday , May 23 2024

Navy pilot, co-pilot patay sa helicopter crash sa Cavite


041224 Hataw Frontpage

ni BOY PALATINO

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA – Patay ang isang navy pilot at co-pilot sa pagbagsak ng helicopter sa Draga reclamation area sa Barangay 57, Cavite City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Lt. John Kyle Borres, 36 anyos, tubong Cebu City at co-pilot nitong si Ens Izzah Leonah Taccad, 27, residente sa Tumauini, Isabela.

Agad na binawian ng buhay si Borres habang patungo sa Cavite Medical Center, at si Taccad ay namatay habang ginagamot sa Bautista Hospital. Sina Borres at Taccad, parehong miyembro ng Philippine Navy ay nakatalaga sa Naval Airwing Sangley Point sa Cavite City.

Ayon kay Lt. Col. Christopher Guste, hepe ng pulisya ng Cavite, sakay ng R22 Robinson helicopter ang dalawang Navy pilots nang maganap ang insidente kahapon dakong 6:30 am.

Aniya, hindi pa alam ang sanhi ng insidente. Sinabi ng mga saksi sa mga imbestigador, hinala nila ay nagsasagawa ng ehersisyo ang dalawang piloto nang bigla silang makaenkuwentro ng problema sa helicopter kaya napilitan silang lumapag sa bakanteng lugar sa Draga reclamation sa Barangay 57, Cavite City.

Ayon kay Guste, walang naiulat na nasaktan mula sa mga residente at walang napinsalang ari-arian.

“Ang mga piloto ay walang pasahero, sila lamang ang sakay nang ang helicopter ay puwersahang bumagsak,” ani Guste.

Aniya, naka-coordinate na sila sa Philippine Navy at nangangalap ng impormasyon sa flight plan ng R22 Robinson helicopter.

About Boy Palatino

Check Also

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

052324 Hataw Frontpage

14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON

INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang …

052324 Hataw Frontpage

Sa bantang pag-aresto ng China 
PH NAVY KASADO

NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa …

shabu drug arrest

3 kelot arestado sa ilegal na droga

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug …

Ferry boat

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service …