Wednesday , June 24 2026
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa series na kanyang pinasikat (on-going pa) dahil hindi na umano nito matagalan ang sobrang pagiging “komersiyal” ng production.

Lahat na lang daw kasi ng klase ng mga products and services na ini-endorse ng mga artistang kasama sa series, lalo na ‘yung dalawang main leads, ay pinipilit laging maisingit sa mga eksena.

Mula sa shampoo, sabon, toothpaste, restaurant, appliances at marami pang iba ay gusto laging binibigyan ng “close up” shots dahil bahagi raw iyon ng deal ng show, mereseng wala naman itong kinalaman sa itinatakbo ng kuwento.

Noong una raw ay okey pa dahil nagagawan ng paraan ng magagaling na camera men at kahit paano ay nakukonek sa takbo ng script, pero nang lumala na  nagmumukha na tuloy omnibus TV ad dahil nakaaagaw na ito ng pansin.

Ay, wa na clues. Uso naman iyan kahit sa mga movie o mga live show na may mga sponsor. Pero gets din naman namin ang ‘artistic talent’ ni direk na naiinsulto marahil sa dikta ng marketing ng production nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …