Saturday , April 19 2025
Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

NASAWI ang isang lalaki na tinaguriang kilabot na holdaper at akyat bahay na kabilang sa talaan ng Most Wanted Person sa National Capital Region makaraang hindi magpahuli ng buhay sa mga operatiba ng MPD nang matunton sa bahay nto sa Barangay Mantingain Lemery Batangas.

Ayon sa ulat ng Pulisya, Armado ng Warrant of arrest ang mga operatiba ni MPD District Intelligence Division(DID) Chief PCol Samuel Pabonita sa pangunguna ni District Police Intelligence Operations Unit(DPIOU) PMaj Jervies Soriano upang arestuhin ang subject na si Kelly Delos Reyes residente sa naturang lugar.

Isisilbi lamang sana ng mga Kapulisan ng MPD ang dalawa(2)magkahiwalay na warrant of arrest sa kasong Robbery subalit hindi naging madali ang operasyon nang hindi sumuko ng maayos ang suspek.

Sa intelligence driven operation ay natunton ang subject ng operasyon pero sa kasamaang palad ay pinaputukan nito ang operating team at  hindi nagpahuli ng buhay.

Nabatid na sinikap nina PMAJ SORIANO at  kanyang team na pasukuin si Kelly sa tulong ng kanyang mga kaanak subalit hindi nakinig bagkus ay pinaputukan ang operating team. masuwerte na lamang aniya na walang nasugatan sa hanay ng pulisya.  

Sinubukan pang isalba ng kapulisan ang buhay ng subject   nang isugod ito sa pagamutan sa tulong ng MDRRMO Lemery subalit idineklarang Dead on arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng enkwentor ang isang de-magazine na kalibre baril na ginamit ng suspek laban sa kapulisan.

Base sa impormasyon, ang nasawi na si Kelly ay maka-ilang beses na nadakip sa kasong Robbery at Theft. Ito rin ang sinasabing salarin sa pangloloob sa isang bahay kung saan maging ang mga cctv ay tinangay sa Project 4 Quezon City noong Pebrero.

Modus rin anila ng suspek ang akyat bahay sa area ng Pasig, Cainta at iba pang lugar sa NCR at Calabarzon.

Inaalam na rin ng pulisya ang posibilidad na may iba pang ka-grupo ang napaslang na suspek. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …