Saturday , April 19 2025
Cecilio Pedro FFCCCII

Sa isyu ng ‘Globe-Trotting’
PBBM IDINEPENSA NG FFCCCII PREXY

“I HAVE been with the President (PBBM) in his two trips abroad China and Malaysia.  The President is working hard to promote the Philippines and he is inviting investors to come in. He is is travelling all over to entice investment.  ‘Yan ang legacy na gusto niyang ma-establish over his term to bring in more people to help this country move forward and I give it to him.” 

Ito ang pahayag ni Dr. Cecilio Pedro, Presidente ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) makaraang dumalo bilang solo guest sa naganap na “Balitaan sa Harbor View,”   isang regular forum na itinataguyod ng Manila City Hall Reporters Association (MACHRA) sa lungsod ng Maynila.

Sa naturang MACHRA forum, idinepensa ni Dr. Pedro ang isyung ‘Globe trotting’ na ipinupukol kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,  patungkol sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.

Giit ni FFCCCII President Pedro, tuwing biyahe ng Pangulo ay bitbit niya ang malalaking investment package pag-uwi ng bansa.

Bilang presidente ng FFCCCII na binubuo ng malaking asosasyon ng mga Filipino Chinese businessmen, naniniwala si Pedro, na kapag maraming negosyo sa bansa ay nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho at malagong turismo na magreresulta ng magandang ekonomiya ng bansa at progresibong pamumuhay.

Binanggit ni Pedro, ang isyu tungkol sa West Philippine Sea (WPS) ay maliit na bahagi sa relasyon ng Filipinas at ng bansang China.

Naniniwala ang dugong Chino pero pusong Pinoy na si Pedro na kung eksklusibong mag-uusap ang dalawang lider ng bansa ay mareresolba ang isyu.

Inihalimbawa ni Pedro ang isyu sa WPS ay tila mag-asawang dumaranas ng ‘di-pagkakaunawan mahigpit nilang pinag-uusapan nang hindi damay ang iba pang miyembro ng pamilya.

Giit ni Pedro, ang pagsali sa ibang partido ay hindi solusyon dahil ang  business sector aniya ay patuloy na umaasang ang usapin sa WPS ay mareresolba sa diplomatikong pamamaraan.

“Dapat, tayo-tayo lang. Habang may buhay, may pag-asa. There is light at the end of the tunnel, nais ng  business investors ay long-term stability at hindi  conflicts,” dagdag ni Dr. Pedro. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …