Thursday , June 4 2026
Chuan Kee Gerie Chua Francis Zamora

‘Chuan Kee, Ang alamat sa Binondo, nasa San Juan na!’

Ito ang pahayag ni San Juan Mayor Francis Zamora sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa pormal na pagbubukas ng tinaguriang “oldest fastfood chinese restaurant” sa Manila Chinatown na nag branch out na sa San Juan City.

Ang oldest Chinese restaurant na Chuan Kee ay unang itinayo ni Mr. Gerie Chua sa Chinatown Binondo Maynila kung saan sa loob ng 84-taon nang tinatangkilik at pinipilahan hindi lamang ng mga tsinoy kundi maging ng ating mga kababayan na dumarayo sa nasabing lugar.

Dahil dito, naisipan ni Chua na magtayo ng panibayong branch nito para sa mga naninirahan sa Eastern District ng Metro Manila.

Ang nasabing oldest fastfood Chinese resto na dinarayo sa Chinatown ay dinarayo rin dahil sa masarap at masustansyang pagkain at soup na mayroong “Chinese medicinal herbs” and spices.

Ang bagong branch ng Chuan Kee ay makakabili rin ng sikat na “Hopia Ube at iba png produkto ng Eng Bee Tin at ito  ay matataguan sa kanto ng San Luis at F.Blumentrit sts San Juan City.

Kaugnay nito, Malugod naman na binati at pinasalamatan ni San Juan City Mayor Zamora si Gerrie Chua at panilya nito sa pagbubukas ng bagong branch ng “Alamat na Binondo Chinese restaurant” sa San Juan.

Sa malaking area ng bagong branch ng Chuan Kee Restaurant sa San Juan ay tiyak na masisiyahan ang bawat isa sa masarap at masustansya Chinese food na ang presyo ay abot-kaya ng bawat isa.  (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …