Wednesday , May 22 2024
Bulacan Police PNP

4 Drug dealers, 6 law offenders sa Bulacan, arestado

APAT na personalidad na sangkot sa ilegal na droga at at anim na lumabag sa batas ang naaresto ng Bulacan police sa iba’t ibang operasyon na isinagawa sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga, 7 Abril.

Sa ikinasang magkakahiwalay na buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Ildefonso at San Rafael Municipal Police Station (MPS), apat na tulak ng droga ang naaresto.

Nasamsam sa mga operasyon ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, may Standard Drug Price (SDP) na P35,292, assorted drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang reklamong kriminal sa paglabag sa RA 9165 laban sa suspek ang inihahandang isampa sa korte.

Samantala, ang mga awtoridad ng Baliuag, Pandi, at San Jose Del Monte C/MPS ay nagresponde sa mga insidente ng krimen na nagresulta sa pagkaaresto sa anim na lumabag sa batas.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Emil, 52, residente sa Sta. Barabara, Baliuag, arestado dahil sa kasong Theft; alyas Marlon, 30, residente sa Brgy. Guyong, Sta. Maria; at alyas Rayeth, 20, residente sa Mapulang Lupa, Pandi, dahil sa kasong Alarm and Scandal, Disobedience, at Direct Assault; alyas Vanessa, 33, residente sa Brgy. San Rafael 3, SJDM City, at alyas Cyrelle, 25, residente sa Brgy. Minuyan Proper, SJDM, Bulacan para sa Qualified Theft.

               Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, walang patid ang opensiba ng pulisya sa lalawigan laban sa ilegal na droga, pagtugis sa mga personalidad sa droga, sa mga wanted na kriminal, at mahusay na solusyon laban sa krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Chiz Escudero Migz Zubirri

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, …

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

ANIM na katao na pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang drug den …