Sunday , April 14 2024
Gun Fire

Sa Isabela,  
TOTOY NABARIL NG TIYUHIN SUGATAN

 

Sugatan ang isang menor de edad na batang lalaki matapos mabaril ng kaniyang tiyuhin sa Brgy. Binguang, bayan ng San Pablo, lalawigan ng Isabela, nitong Huwebes Santo, 28 Marso.

 

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalaro ang batang biktima sa kanilang kusina dakong 7:30 ng gabi nang mabaril siya ng suspek sa kaniyang kaliwang hita.

 

Dinala ang biktima sa Milagros Albano District Hospital, sa bayan ng Cabagan, sa nabanggit na lalawigan, kung saan niya sinabing ang kanyang tiyuhin na kinilalang si Arman ang nakabaril sa kaniya.

 

Ayon sa salaysay ng mga saksi, nakita nila ang supek na paalis ng bahay na may dalang baril.

 

Naglunsad ang pulisya ng pursuit operation ng araw ding iyon kung saan nadakip ang suspek para sa kasong attempted homicide.

 

About hataw tabloid

Check Also

COPA Swim Series Leg 3 RMSC Eric Buhain

COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC

TULOY ang pagtuklas sa mga bagong talento sa isasagawang National Capital Region (NCR) One For …

Marilag Festival Sta Maria Laguna

Mula 11-14 Abril 2024
IKA-11 MARILAG FESTIVAL SA STA. MARIA, LAGUNA   INAASAHANG DARAYUHIN

TAMPOK ang iba’t ibang produktong agrikultural at iba pang by-products, sa pagdiriwang ng mga taga-Sta. …

Bulacan Police PNP

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal …

DANIEL FERNANDO Bulacan

National wealth tax para sa likas na tubig
MOTION FOR RECONSIDERATION INIHAIN SA SC NG BULACAN GOV

NAGHAIN ng Motion for Reconsideration si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa Korte Suprema sa naging …

arrest posas

Nagtapon ng basura sa bawal na lugar
MISTER TIKLO SA DALANG SHABU

BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang mahigit P29,000 halaga …