Wednesday , May 22 2024
Pertussis Laguna

Pertussis naitala sa 12 bayan at lungsod sa Laguna

LAGUNA — Umabot sa 12 bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nakapagtala ng mga hinihinalang kaso ng pertussis o whooping cough.

Batay sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office, umabot sa 48 kabuuang kaso sa lalawigan mula 1 Enero hanggang 30 Marso 2024, na may 17 kompirmadong kaso habang 31 suspected cases.

Pinakamarami ang naitalang kaso sa Santa Rosa City na nagdeklara ng pertussis outbreak ang lokal na pamahalaan.

Sinundan ito ng mga lungsod ng Calamba at San Pedro, na nakapagtala ng dalawang confirmed cases.

Samantala, nakapagtala ng suspected cases ang mga lungsod ng Biñan, San Pablo, at Cabuyao at mga bayan ng Alaminos, Los Baños, Paete, Rizal at Santa Cruz.  (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Chiz Escudero Migz Zubirri

Escudero aminadong pasimuno ng kudeta laban kay Migz Zubiri

INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, …

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

Drug den operator, PDEA regional target, 4 pa, arestado sa Subic

ANIM na katao na pinaghihinalaang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang drug den …