Wednesday , December 17 2025

Entertainment

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

Maine Mendoza Miles Ocampo

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga may bagyong Emong after ni Dante. Siyempre, need nitong i-accommodate ang mga advertiser especially ‘yung may kontrata. Kapwa present sa studio sina Maine Mendoza at Miles Ocampo. ‘Yun nga lang, magkahiwalay na sila ng puwesto kompara nung Monday na magkasama sa PeraPhy segment ng programa na may kaunting chikahan, huh! …

Read More »

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

Jed Blaco Grand Champion sa Dance Kids 2025

MATABILni John Fontanilla GRAND champion sa katatapos na Dance Kids 2025 na ginanap sa Riverbank  Marikina ang 12 year old na si Jed Blanco na nag-uwi ng P7K at trophy at tinalo ang iba pang 18 contestants. First Placed naman ang 10 year old na si Kenjie San Pablo na nag-uwi ng P3K at Second Place si Keisha Moneece Quipot na nag-uwi ng P2K. Ilan  pa sa nakalaban ni …

Read More »

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

Alice Dixson

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng isa sa may pinaka-magandamg mukha sa local showbiz, si Alice Dixon. Sa pagdiriwang ng ika-56 kaarawan, nag-post si Alice ng mga larawan sa kanyang Instagram, na kitang-kita na parang hindi tumatanda. Caption nito sa kanyang mga larawan, “This birthday I decided to keep it simple yet versatile. “I …

Read More »

Philanthropist-Celebrity Businesswoman Cecille Bravo ginawaran ng Humanitarian Award sa 3rd Johnny Litton

Cecille Bravo Humanitarian Award Johnny Litton

MATABILni John Fontanilla NAPA-WOW ang lahat sa ganda ng kasuotan at headress ng Philanthropist at successful celebrity businesswoman, Cecille Bravo na rumampa bilang Empress sa katatapos na 3rd Johhny Litton Awards-Johnny Litton Birthday Celebration na ang theme ay base sa pelikulang The Last Emperorna ginanap sa The Grand Hyatt Hotel-Manila kamakailan. Suot nito ang napakagandang creation ng sikat na designer na si Raymund Saul at ang headress …

Read More »

Arci binara netizen na nang-okray sa kanyang kaseksihan 

Arci Muñoz

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang buweltahan ni Arci Munoz ang isang netizen na nagsabi na katas ng cosmetic enhancements ang maganda at sexy niyang katawan. Komento kasi ng isang netizen sa ipinost na larawan ni Arci sa Instagram, “Paano may bibili eh kung alam naman ng lahat na pinaayos ang katawan?” Na agad-agad namang sinagot ni Arci ng, “Excuse me?!!! 100% natural ’yan!! And thank …

Read More »

Bagong girl group na VVINK itinatapat sa BINI

VVINK Jean Flores Angelika Sam Mariel Ong Ayaka Takakuwa Odri Toledo

RATED Rni Rommel Gonzales BINUBUO nina Jean Flores, Angelika Sam, Mariel Ong, Ayaka Takakuwa, at Odri Toledo ang VVINK, ang P-pop girl group na papasikat na ngayon na binuo noong 2023. At siyempre pa, dahil girl group din sila, natural lamang na maikompara sila sa sikat na grupong BINI. Isa pang dahilan, ang recording company na nangangalaga sa VVINK ay ang FlipMusic nina Jumbo de Belen, Mat Olavides. Nica …

Read More »

Melai humingi ng tawad sa SexBomb girls

Melai Cantiveros SexBomb girls Rochelle Pangilinan Cheche Tolentino Sunshine Garcia Jopay Paguia

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang bagong All-Mama P-Pop girl group na MamaMo ng Surf2Sawa (na Prepaid Fiber Internet ng Converge) dahil matindi ang mga miyembro nito. Ang Kapamilya comedienne/host na si Melai Cantiveros at ang original SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinan, Cheche Tolentino, Sunshine Garcia, at Jopay Paguia. Si Melai ay Kapamilya at si Rochelle naman ay Kapuso, tinanong namin ang una kung kumusta katrabaho ang …

Read More »

Cris ‘di isyu pansinin o hindi ng mga batang artista

Cris Villanueva Rhian Ramos JC Santos Meg and Ryan

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, matikas, at dumaan noon sa pagiging teen matinee idol si Cris Villanueva. Tinilian at halos sinamba ng fans, lalo na ng mga babae at gays, noong ‘80s, na miyembro pa si Cris ng sikat na teen-oriented show, That’s Entertainment ng yumaong Master Showman, German “Kuya Germs” Moreno. Ngayon, in-demand na character actor si Cris, madalas ay tatay ng batang …

Read More »

Sylvia lumusong sa baha, Arjo namigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo

Sylvia Sanchez Arjo Atayde baha

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMI ang humanga kay Sylvia Sanchez dahil hindi nito alintana ang mataas na baha para magbigay tulong sa District 1 ng Quezon City. Kasama ang anak na kongresista, Arjo Atayde, Lunes pa lang ay binaybay na nila ang mga lugar na binaha. Mabilis na namigay ng ayuda si Cong Arjo kasama si Konsi Gab Atayde sa mga barangay ng Sto Cristo, …

Read More »

Denise Esteban, game sumabak sa mga challenging na roles

Denise Esteban

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA si Denise Esteban bilang isang sexy actress na humataw ang acting career sa kasagsagan ng panahon ng Vivamax.  Sa ilang taon ng paggiging bahagi niya sa mundo ng showbiz, marami na siyang nagawang movies. Mula sa pagiging pantasya ng maraming barako, si Denise ay unti-unting pinatutunayan na hindi lang siya sa hubaran at pag-ungol sa mga eksenang lampunangan, may ibubuga. …

Read More »

Penthouse Live director Fritz Ynfante pumanaw na

Fritz Ynfante

NAGLULUKSA ang buong entertainment industry sa pagpanaw ng veteran theater at film director na si Fritz Ynfante. Sa Facebook nakalagay ang isang art card na may black and white picture ni Direk Fritz na may mensaheng, “With deep sorrow, we announce the passing of our beloved Fritz Ynfante, who peacefully returned to his creator.” Ang malungkot na balita ukol sa direktor ay kinompirma rin ng …

Read More »

Marian at Dingdong gustong maka-collab ni Jeremie Vargas

Jeremie Vargas Dindong Dantes Marian Rivera

MATABILni John Fontanilla GUWAPO at napaka-versatile ng actor, director, commercial model and acting coach at the same time na si Jeremie Vargas. Tall, dark and handsome nga ang 21 year old na si Jeremie na ‘di na maituturing na baguhan sa showbiz sa rami ng proyektong ginawa nito. Ilan sa naging proyekto nitong pelikula ang Samakatuwid ni Jeremiah Palma na ginampanan ang role na Gary, …

Read More »

EA Guzman P15.8-M halaga ng bagong kotse

Edgar Allan EA Guzman Shaira Diaz BMW M4 Coupe

MATABILni John Fontanilla NATUPAD ni  Edgar Allan “EA” Guzman ang isa sa matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng brand-new BMW M4 Coupe. Ang expensive car ay nagkakahalaga ng P15.8-M. Post nito sa kanyang Instagram (EA Guzman), “Proof that faith, focus, and hard work really pay off. BMW baby!”   Binanggit din nito ang kanyang  fiancée na si Shaira Diaz, na ‘di lang very supportive, kundi …

Read More »

Miles Poblete balik pag-arte  

Miles Poblete Ako si Kindness

MATABILni John Fontanilla NAGBABALIK sa pag-arte ang singer-actress na si Miles Poblete after 20 years, dahil nag-focus muna ito sa kanyang singing career. Ayon kay Miles, “Bale sa pag-arte 20 years akong ‘di gumawa ng pelikula o umarte sa telebisyon, pero ‘yung pagkanta ko dire-diretso lang. “Bale naging member ako ng Legendary Hotdog band. Ako ‘yung Hotdog girl na nakasama nila sa huling world tour. …

Read More »

Katrina at Katie na-stranded sa HK sa lakas ng bagyo

Katrina Halili Katie HK

MATABILni John Fontanilla HINDI agad nakauwi sa Pilipinas ang mag-inang Katrina Halili at Katie na nasa HongKong dahil inabot ng bagyong Wipha ( locally named Crising). Ibinahagi ni Katrina sa kanyang Facebook ang bakasyon-bonding nila ng anak last Saturday, July 19 na naantala ng maagang nag-close ang theme park dahil sa paglakas ng bagyo (signal number 3). Sabi nga ni Katrina ka’y Katie na ipinost niya sa …

Read More »

Vina dapat paghandaan sampal ni Gladys 

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese Cruz vs Cruz

I-FLEXni Jun Nardo RATSADA si Gladys Reyes sa shows sa GMA, huh! Nagsimula na kahapon ang series na kinabibilangan niyang Cruz versus Cruz na pag-aagawan nila ni Vina Morales si Neil Ryan Sese. At tuwing weekend, naghahasik naman ng bagsik si Gladys sa youth oriented series ng kapuso an MAKA. Naku, ihanda na ni Vina ang pisngi kay Gladys pati na ang mga young star na makabangga niya, huh!

Read More »

Marco itutuloy OPM Hitmakers, Rico at Hajji ‘di papalitan

Marco Sison Rico Puno Hajji Alejandro

RATED Rni Rommel Gonzales BINUBUO ang The OPM Hitmakers nina Marco Sison, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at nina Rico Puno at Hajji Alejandro. At dahil pumanaw na sina Rico at Hajji, paano na ang grupo ngayong tatlo na lamang sila? May plano ba sila na kumuha ng kapalit nina Rico at Hajji? Ayon kay Marco, “Eh ang hirap namang maghanap ng kapalit sa dalawang iyon. Wala na …

Read More »

AshDres ‘di lang sa ‘Pinas kinakikiligan

AshDres Ashtine Olviga Andres Muhlach Jason Paul Laxamana

HARD TALKni Pilar Mateo PINAKILIG nila ng husto ang sumubaybay sa kanila sa seryeng Mutya ng Section E  na inihatid ng digital platform na Viva One. Sina Ashtine Olviga at Andres Muhlach. Kilala na blang  #AshDres. Kahit naman nang inilunsad pa lang sila sa presscon para sa nasabing serye, maski ang media eh, kinilig na sa inabangang pagsasama nila. Siyempre, dahil pumatok sa fans at sa supporters, …

Read More »

Zanjoe sa toxic na pamilya: Kailangan ng boundaries 

Ogie Diaz Zanjoe Marudo Susan Africa Richard Quan Sherry Lara How To Get Away From My Toxic Family

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANGGANG kailan nga ba dapat tumanaw ng utang na loob ang anak sa kanyang pamilya o magulang? Ito ang diskusyon namin ng kasamahang editor at kapwa-SPEEd member, Ervin Santiago matapos mapanood ang How To Get Away From My Toxic Family na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo, Susan Africa, Richard Quan, Sherry Lara at iba pa na mapapanood simula July 30, 2025 sa lahat ng …

Read More »

Piolo sinugod sa stage habang naghaharana

Piolo Pascual Rhea Tan Rotary Club of Balibago

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MALAKAS pa rin talaga ang hatak o dating ng isang Piolo Pascual. Napatunayan namin ito nang pagkaguluhan ang hunk actor sa induction ng bagong pangulo at opisyales ng Rotary Club of Balibago na ginanap noong Biyernes sa Hillton Ballroom sa Clark, Pampanga. Hindi napigilan, ng mga Rotarian, lalaki man o babae ang akyatin at sugurin si Piolo sa stage kahit …

Read More »

Ronnie ‘nabuhay’ ang career nang mapabilang sa Sparkle

Ronnie Liang

RATED Rni Rommel Gonzales BILANG isang Sparkle artist since December 2024, nasa Akusada si Ronnie Liang na napapanood sa GMA Afternoon Prime. “Ako po si Damian, isa sa mga gumaganap, siya ay tahong farmer, manliligaw kay Ms. Carol, si Andrea Torres, na nagsumbong kay Andrea kaya siya naging akusada dahil hindi niya ako sinagot, sumama ang loob ko. “And ito ay mga bagong pagganap …

Read More »

Cheche iiwan na ang showbiz

Cheche Tolentino

RATED Rni Rommel Gonzales SA pag-ibig, totoong hahamakin ang lahat. Tulad na lamang ng original Sexbomb member na si Cheche Tolentino, dahil sa pag-ibig ay lilisanin na niya ang Pilipinas at ang kanyang showbiz career dahil magpapakasal na sila sa US ng kanyang Fil-Am boyfriend. “Nag-apply na ako ng fiancé visa… tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha,” ang pahayag sa amin ni Cheche. …

Read More »

MC at Lassy ayaw nang bumalik sa It’s Showtime

Vice Ganda MC Lassy

MA at PAni Rommel Placente KAHIT pala nagkausap at nagkabati na sina Vice Ganda at MC Muah nang magkita sila sa Vice Comedy Bar na pareho nilang pag-aari, balita namin ay wala ng balak pang bumalik ang huli sa It’s Showtime ganoon din ang kaibigan nilang si Lassy Marquez.  Busy raw kasi sina at MC at Lassy sa kanilang vlog kasama si Chad Kinis. Kaya hindi raw magagawa ng …

Read More »

Green Bones Big Winner sa 8th EDDYS Choice

Green Bones Dennis Trillo Ruru Madrid Marian Rivera

MA at PAni Rommel Placente ANG Green Bones lead actor na si Dennis Trillo ang itinanghal na Best Actor sa katatapos na 8th EDDYS Entertainment Editors’ Choicena ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay noong Linggo ng gabi. Si Ruru Madrid, ang nagwagi l bilang Best Supporting Actor, ka-tie si Aga Mulach para sa Uninvited. Ang direktor ng Green Bones na si Zig Dulay ang ginawaran ng Best Direktor at …

Read More »