RATED R
ni Rommel Gonzales
VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa showbiz, lalo na ang tungkol sa mga dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga!
Dahil dito ay wagas din ang bashing na tinanggap ni Anjo mula sa netizen na hindi pabor sa mga pinakawalan niyang negatibong mga salita at isyu tungkol sa kung sino-sinong personalidad.
At sa grand mediacon ng My Husband Is A Mafia Boss ng Viva One na isa sa mga cast member ay si Jaime Yllana, anak ni Anjo ay natanong tungkol dito.
Sa simula ay humingi ng paumanhin si Jaime sa mga pagsasalita ng kanyang ama.
“‘Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he’s my dad.
“Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga ‘yung pinagdaraanan niya.
“Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na ganoon talaga.
“Wala, tatay ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan kong intindihin na ganoon siya.
“Bigyan siya ng advice, kasi siyempre mga kaibigan din niya ‘yung pinag-uusapan niya kaya medyo nakontrol niya.
“Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matuto na pagbigyan siya.
“Siyempre, siya ‘yung nagpalaki sa akin. I wouldn’t be here without him.”
At dahil para lamang silang matalik na magkaibigan at magkapatid ay nagagawa niyang payuhan ang ama.
“Honestly, parang magkapatid kami.
“Ganoon ‘yung relationship namin. Para kaming mag-bestfriend.
“Sinasabi ko lang sa kanya na, ‘Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.’
“Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private.
“Hindi naman lahat kailangan sabihin sa media na, ‘Oy ganito ako, ganyan ako.’”
Nakinig naman sa kanya si Anjo kaya huminto ito sa paggawa ng kontrobersiyal na videos.
Samantala, ang My Husband Is A Mafia Boss ay pinangungunahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.
Sa direksiyon ni Fifth Solomon at sa panulat ng yumaong author na si Diana Marie Serrato Maranan, o mas kilala online bilang Yanalovesyouu, mapapanood na ito ngayong 2026 sa Viva One.
Nasa cast din sina Frost Sandoval, Sara Joe, Icee Ejercito, Kyosu Guinto, Dann Aquino, Aaliyah Coco, R-ji Lim ng Alamat, PJ Rosario, Maru Delgado, Simon Ibarra, Roberta Tamondong, Hazel Calawod, Naz San Juan, MO Mitchell ng Alamat, Priscilla Meirelles, Kelley Day, Yuki Sonoda, Bianca Santos, Sandex Gavin, Anjo Damiles, Akihiro Blanco, Edsel Santiago at Ara Mina.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com