PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance screening ng MMFF entries.
Ayon sa nakalap namin, binigyan ng tig-iisang araw na iskedyul ang lahat ng entries bago pa man sila magsimulang ipalabas ng sabay-sabay sa Pasko.
Una, sa tindi ng trapik at dagsa ng mga tao sa kalsada at mga pasyalan, mahirap talagang lumagare na puntahan ang mga entry na may sabay-sabay na screening. At least sa ginawa ng MMDA, mas supervised at organized.
Ikalawa, mas magkakaroon ng enough time ang mga tao na mag-iskedyul din ng mga gusto nilang panoorin bago ang big day.
And yes, magkakaroon ng parehas na trato ang bawat film entry para mas maging malaki rin ang window nila to promote.
So far, gaya namin ay excited na to watch some of the seemingly highly interesting entries na feeling namin ay hindi kami magsisisi na gastusan gaya ng Manila’s Finest, Bar Boys, UnMarry, at Shake Rattle and Roll: Evil Origins.
Bongga ‘yun.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com