Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig Xmas tree

Peoples park ng EMBO inilawan ng Taguig LGU

MISMONG si  Taguig Mayor Lani Cayetano ang nanguna sa pagpapailaw ng  makulay at mala-higanteng Christmas tree at Christmas light sa loob ng Taguig Peoples Park, Gate 1 J.P. Rizal Extension, Barangay West Rembo sa Taguig City.

Para kay Cayetano mahalaga ang araw na ito para sa bawat residente at naging bahagi sa buhay ng maraming residente ng EMBO.

Ipinaliwanag ni Cayetano na patunay ito na ang  EMBO ay parte ng kapaskohan na maghatid ng kasiyahan sa pamamagitan ng  makukulay na palamuti at atraksiyon ng iba’t ibang aktibidad ang inihanda ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng lungsod.

Tinukoy ni Cayetano na tanyag sa buong mundo na sa Filipinas pinakamakulay, pinakamahaba, pinakamasaya ang pagdiriwang ng Pasko.

Binigyang-diin ni Cayetano na  ang Pasko ay maghahatid sa atin ng ibayong pag-asa at marami ang pagpapala at huwag kalilimutan ang tunay na diwa nito kung kailan  natanggap natin ang pinakamainam na regalo ng Panginoon nang ibigay Niya ang kanyang bugtong na anak.

Iginiit ni Cayetano  na ang mahalagang pagtitipong ito ay sa ngalan ng pag-ibig para sa mithiing Transformative, Lively, and Caring City.

“Mas pinaganda natin ang parke para sa mga residente ng EMBO at ibinukas po natin sa publiko.Yakapin po ninyo at alagaan ang parkeng ito. Ang commitment ng LGU kung ano ang ating nadatnan ay lalo pa nating pagandahin at patitingkarin para sa kaligayahan ng mga kababayang Taguigeño,” ani  Cayetano.

Nauna rito, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pamamahagi ng mga Pamaskong Handog para sa mga residenteng ang head of the family ay isang senior citizen, person with disablity (PWD) at buntis na personal na dinala sa kani-kanilang mga tahanan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …