Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas, Yasmine Espiritu

Cong Alfred nag-file na ng COC sa pagka-konsehal

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAG-FILE na ng kanyang Certificate of Candidacy si 5th district Representative of Quezon City Alfred Vargas kahapon ng umaga (Martes) kasama ang kanyang maybahay na si Yasmine Espiritu na ipinost niya sa kanyang Facebook page na may 441k followers.

Ang caption ni Cong. Alfred sa larawan nilang mag-asawa at nasa likod ang kapatid niyang si Konsehal PM Vargas, ”Nagpapasalamat po tayo sa panibago na namang opportunity to serve! Thank you, Amore, dahil palagi kang nasa tabi ko sa bawat laban.

“Thank you, Mayor Joy Belmonte sa pagiging halimbawa ng sipag at malasakit para sa QCitizens. Thank you, Vice Mayor Gian Sotto at Cong. Kit Belmonte.

“Gayundin ang pasasalamat natin sa ating mga ka-District V na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa amin ni Coun. PM Vargas. To God be the glory.”

Samantala, may nakasilip naman sa COC ni Cong Alfred na kumakandidato pala siya bilang Konsehal sa 5th district ng Quezon City. Sa madaling salita, nagpalit sila ng puwesto ng kapatid niyang si PM na kumakandidato bilang kongresman sa parehong distrito.

Huling termino na pala kasi ni Cong. Alfred kaya konsehal ang target niya sa May 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …