Monday , December 23 2024
Joel Villanueva, Tesdaman

‘Tesdaman’ muling tatakbong senador sa 2022 elections

NAGPAHAYAG si Senador Joel “Tesdaman” Villanueva ng kanyang pagnanais na muling tumakbong senador para sa 2022 senatorial election.

Inihayag  ito ng mambabatas sa kanyang pagdalo sa launching ng Tulong Trabaho Scholarship Program.

Dumalo ang tinatayang 40,000 benepisaryo na pinaniniwalaang malaki ang maitutulong upang muling makabangon ang ekonomiya.

Ani Villanueva, tulad ng mga sundalong sinasanay ng pamahalaan bilang paghahanda sa gera, kailangan din ihanda ang mga manggagawa upang maging tuloy-tuloy ang pag-ahon at pagganda ng takbo ng ekonomiya.

Layon ng re-electionist na si Villanueva na makalikha ng mga karagdagang batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa.

Isusulong umano niya ang paglikha ng trabaho, pagbibigay ng sapat na edukasyon para sa bawat mamamayan, sapat at tamang serbisyo sa lahat ng mamamayan, dignidad ng bawat isa at pag-asenso ng bawat Filipino.

Si Villanueva ay nahalal noong 2016 bilang senador, pangalawa sa nangunang senador at nakakuha ng botong 18,459,222. Bago maihalal sa senado, nanungkulan bilang Director General ng TESDA mula 2010 hanggang 2015.

Ilan sa mga batas na kanyang pangunahing akda ang Doktor para sa Bayan, Work From Home law, Tulong Trabaho law, Job Safety and Health Standards, at  First-time Jobseekers Assistance Act.

Sa kasalukuyan, mayroong 500 panukalang batas ang naihain ni Villanueva simula nang siya ay umupong senador at 82 dito ay pawang naging ganap ng batas.

Dalawa rito ang malapit nang maging batas at  ito ang Magna Carta of Filipino Seafarers at Department of Migrant Workers and Overseas Filipino na inaasahang maipa­pasa ng kongreso bago matapos ang taon.

Si Villanueva ang pinaka­batang halal na mambabatas noong 2002 bilang kinatawan ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC).

At bukod sa kanyang hilig sa larong basketball, dalawang beses din siyang  naging kinatawan ng bansa sa naturang paligsahan.

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …