Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: Kongreso binaha ng petisyon vs DV Boer

ni ROSE NOVENARIO

BINAHA ng apela ang Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa overseas Filipino workers (OFWs)  para imbestiga­han ang multi-bilyong agribusiness scam ng DV Boer Farm Inc., na bumiktima sa kanila.

Ipinadala sa Maba­bang Kapulungan ang kopya ng online petition na lumarga sa Change.org na pinangunahan ni Seve Barnett Oliveros, isang OFW na nakabase sa Saudi Arabia at Pa-Iwi investor mula noong 2017.

Ang petisyon ay nilagdaan ng may 2,846 investors ng DV Boer ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin.

“There are thousands of investors who placed their investments amounting to hundreds of millions (even billion) of pesos for agricultural-related services offered by DV Boer Farms with a guaranteed investment returns for a specified contract duration from one year to three years placement,” ani Oliveros sa petition.

“Most of the investors are overseas Filipino workers (OFWs) who have entrusted their hard-earned money and life savings to this investment scheme and has gained momentum that kept the investments flowing in,” dagdag niya.

Nang ideklara aniya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ilegal ang pangangalap ng DV Boer ng investments habang wala itong secondary license, tumigil ang pagbabayad ni Villamin sa investors.

Ani Oliveros, hanggang ngayon ay wala pa rin nakukuhang secondary license ang DV Boer mula sa SEC at kahit gusto nilang bawiin ang inilagak na puhunan, nagtataingang-kawali si Villamin.

Maging ang mga alagang hayop na binili at ipinaalaga sa DV Boer at sa subfarms nito sa ilalim ng Pa-Iwi program, hindi rin maibigay sa kanila ng DV Boer.

“This petition seeks to have the audience from the Congress of the Philippines (House of Representatives and/or Senate) to investigate the investment scheme of DV Boer Farms, in aid of legislation,” sabi ni Oliveros.

Inilahad ni Oliveros, napakaraming OFWs na nais mag-ambag sa ekonomiya ng Filipinas sa pamamagitan ng paglalagak ng puhunan pero madalas maging biktima o malugi sa sinalihang investment scheme na scam pala.

Napakahirap aniyang mapagtanto kung ano ang legitimate investment at ano ang scam, halimbawa na lamang ang DV Boer na hiniling imbestigahan at isailalim sa audit.

Namamayagpag pa rin ang DV Boer, mata­gumpay sa pag-iwas sa hirit na ibalik ang multi-bilyong pisong pinaghira­pang pera ng investors.

“To-date, the operators of DV Boer Farms are still out in the market successfully evading the demand from the investors for the return of their money, with one-sided offers. The investors, most especially the OFWs are rendered hopeless,” giit ni Oliveros.

Kung may malinaw aniyang mga pamanta­yan at batas kaugnay sa paglalagak ng puhunan sa Filipinas, lalo ang proteksiyon sa mga investor na migranteng Pinoy at OFWs, babaha ang investments mula sa nasabing sector.

Nauna rito’y naghain ng resolusyon si Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat noong 1 Disyembre 2020 ang House Resolution No. 1393 na nag-aatas sa Committee on Trade and Industry, Committee on Banks and Financial Intermediaries, Committee on Agriculture and Food, at iba pang kaukulang komite sa Mababang Kapulungan na maglun­sad ng joint investigation in aid of legislation sa napaulat na mga kaso ng investment scam kaugnay ng agribusiness sa bansa, partikular sa DV Boer.

Apat na buwan ang nakalipas, ‘natutulog ‘ pa rin sa Committee on Rules ng Mababang Kapulu­ngan ang resolusyon ni Cabatbat.

“Siguro kapag malapit na ang eleksiyon, papansinin na tayo ng mga mambabatas kasi kailangan nila ang boto ng OFWs at mga pamilya natin,” himutok ng isang DV Boer investor.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *