RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAGUMPAY sa larangan ng construction business ang St. Gerrard Construction, pero susuungin ni Ate Sarah Discaya ang mundo ng politika. Tatakbo siyang alkalde ng lungsod ng Pasig sa nalalapit na May 2025 elections.
At ang mala-pader na babanggain niya ay ang kasalukuyang Mayor nitong si Vico Sotto.
“Actually ‘noh, sobrang suntok sa buwan ang sinasabi nila,” nakangiting pag-amin ni Ate Sarah.
“Kasi siyempre ang kalaban namin ay isang pader, isang Sotto.
“Pero siyempre we’re taking our chances and siyempre bilang isang lehitimong Pasigueño at alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko at siyempre nakatira ako sa sentro ng Pasig, I think I have… huwag naman over-confident, ‘noh,” at tumawa si Ate Sarah.
“It’s a friendly competition.
“Election is just one thing, so iyon lang ‘yung inaano ko.
“I want to enjoy what we’re doing ngayon, the campaign is going down, kasi bilang first time nga na papasok sa public service gusto kong ma-enjoy lang.
“‘Yung makilala ko ‘yung mga tao and by that siguro natutuwa rin ang mga tao sa akin kasi very excited silang makilala ako.”
Okay naman ba si Ate Sarah sa mga kaganapan lalo nga at unang sabak niya sa magulong mundo ng politika?
“I’m okay… it’s hard, it’s definitely a different path from being in the private sector. Siyempre andoon na maraming ibang mga bago sa akin.
“Like I just can’t go out ‘noh, or kailangan may kasama akong palagi, iyon ‘yung parang naiba sa buhay ko.
“Being busy, so kasi ang nangyayari I still work, hindi ko puwedeng pabayaan din ‘yung company namin so, multi-tasking kami.
“And siyempre isa rin akong ina so I have to make sure na in the evening I’m with my kids,” nakangiting sinabi pa ni Ate Sarah.
Suportado ng actress/singer na si Ara Mina ang kandidatura ni Ate Sarah. Si Ara ay kandidato naman bilang konsehala ng ikalawang distrito ng Pasig.