SB19 Dam

Dam ng SB19 nasa top spot ng Billboard

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA talaga ang SB 19 dahil ang bago nilang awiting Dam ay pumalo sa top spot ng Billboard’s World Digital Song Sales chart.

Kaya naman maitututing na  sila rin ang kauna-unahang Filipino act na naka-achieve ng milestone na ito.

Last March 11 ay inanunsiyo ng Billboard sa kanilang site na nasa rank 1 ang awiting  Dam ng SB19.

Noong 2023 ay pumasok naman sa rank 8 ng WDSSC ang awiting Gento.

Sa ngayon ay naghahanda ang pinakasikat na boy group sa kanilang sold out na Simula at Wakas World Tour  sa Philippine Arena sa May 31, 2025.