Friday , March 28 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Molotov attacked sa kotse ng photojourn, QCPD nakapuntos na

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI pa man napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang riding-in-tandem na responsable sa pagsusunog sa pamamagitan ng molotov, sa kotse ni Philippine Star photojounalist Michael Varcas nitong 19 Pebrero 2025 sa Matipuno St., Barangay Pinyahan, Quezon City, masasabing malaki na ang progreso sa pagkakalutas ng kaso.

Ibig sabihin, kaunting kembot na lang ng QCPD ay malulutas na ang insidente na posibleng magresulta sa pagdakip sa dalawang suspek. Nabanggit natin ito makaraang makapuntos ang pulisya nang matukoy ang isa sa dalawang  ‘salarin’. Hindi lang tukoy  ang pangalan kung hindi kilala na rin sa mukha.

Katunayan, sa pagkakatukoy sa mga salarin ayon kay QCPD Director, PCol. Melecio Buslig, Jr, kanila nang kinasuhan ang dalawa – sa ngayon kasong arson (muna) ang isinampa kina alyas Totoy, at isang John Doe  kaugynay sa nangyaring krimen.

Itinago muna ng pulisya sa pangalang Totoy ang natukoy nang suspek upang hindi masunog ang patuloy na isinagawang follow-up operation ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni PMaj. Don Don Llapitan.

Sa pagtitiktik ng magagaling na detektib ng CIDU,  nakakalap sila ng impormasyon mula sa isang saksi, bago mangyari ang ‘molotov attack’. Napansin ng saksi ang kahinahinalang mga ikinikilos ng dalawang salarin.

Ayon sa saksi, nitong Pebrero 18, bandang 7:30 ng gabi, nakita niya ang dalawang suspek sa Pook Aguinaldo St., Brgy. UP Campus, Quezon City, na may dala-dalang plastic bottles, isang pirasong tela,  at isang plastic container na may lamang gasoline at may nakakabit na lighter igniter. Sa dalawang lalaki,  tanging si ‘Totoy’, ang kanyang nakilala.

Dahil sa mga nakitang hawak ng dalawang suspek, natanong tuloy ng saksi kina ‘Totoy’ kung gagawa ba sila ng gasera ngunit pinagtawanan lamang siya ng dalawa.

“Tingnan mo na lang sa balita,” ang sagot ng dalawa sa saksi.

Makalipas, nang marinig sa balita ng saksi ang hinggil sa molotov attack, nakombinse siyang may kinalaman ang dalawa sa nangyaring krimen.

Siyempre, hindi na pinalagpas ng CIDU ang impormasyon at agad na nagsagawa ng ocular investigation nitong 3 Marso 2025, dakong 5:50 PM sa Pook Aguinaldo, Brgy. UP Campus, kung saan huling namataan ang mga suspek.

Sa pagsusuri, nakarekober ang CIDU ng isang (1) 500mL plastic bottle with cap na may lamang residue ng gasolina, isang  empty 1L mineral plastic bottle na hinati sa dalawa, isang pirasong puting tela, isang blue glove at isang puting tela na nakasuksok sa empty 1L mineral plastic bottle na nahahati sa dalawa.

Hayun, base sa mga nakalap na ebidensiya, pinaniniwalaan ng CIDU na malaki ang kinalaman ng dalawang salarin sa nangyaring ‘molotov attack’ dahilan para kasuhan ang dalawa ng arson sa ilalim ng Article 320 of the Revised Penal Code (RPC).

Inilinaw ni PCol. Buslig Jr., na tanging ang panununog pa lamang sa sasakyan ang ikinaso sa dalawa dahil sa nangyari sa sasakyan ni Varcas habang patuloy pa ang CIDU na nangangalap ng ebidensiya kaugnay sa motibo ng krimen – inaalam kung ang pangyayari ay may kinalaman sa trabaho ni Varcas bilang isang photojounalist o anggulong personal. Malalaman ang motibo kapag naaresto ang mga suspek na target ngayon ng manhunt operation ng CIDU.

Sa background check ng QCPD, sa pamamagitan ng Investigation Solution Automated Verification System (ISAV, lumabas na si ‘Totoy’ ay naaresto na matapos masangkot sa krimen tulad ng P.D. 1602 (Illegal Gambling) noong Enero at Oktubre 2024 at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) noong 24 Marso 2024.

Sineguro ng QCPD sa publiko na patuloy ang isinagawang malalimang imbestigasyon para sa pagkakaaresto ng mga suspek.

“We will not rest until justice is served,”  pahayag ni PCol Buslig, Jr.

Katulad ng naunang nabanggit, bagamat hindi pa hawak ng QCPD ang dalawang suspek, naniniwala ang pamilya ng mamamahayag na makakamit ni Varcas ang katarungan sa pamamagitan ng pagtaya ng QCPD ng kanilang buhay para sa ikalulutas ng krimen.

About Almar Danguilan

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …