Thursday , June 25 2026
Rhen Escaño CC6 Online Casino FunBingo

Rhen Escano may paalala sa mga naglalaro ng CC6 at FunBingo

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAG-RENEW ng kontrata si Rhen Escaño bilang endorser ng online gaming platforms na CC6 Online Casino at FunBingo na sinasabing, “two of the leading online gaming platforms in the Philippines.”

Kapag may nakakausap si Rhen, paano niya naitatawid sa mga tao na walang masama sa gaming?

Una sa lahat, hindi ko po sinasabi na wala pong masama, because hindi iyon ‘yung unang words na maririnig nila sa akin.

“Lagi ko ngang sinasabi ‘pag may nakikita ako, ‘Oh naglalaro ka pala niyan, anong madalas na tina-try mo?’ 

“And lagi kong sinasabi na, ‘Okay lang ‘yan ha, pero may part diyan na hindi okay, ‘pag hindi ka na nakukuntento.’

“Kasi mayroon talaga na malalaki ang mga nakukuha nila.

“Kasi mayroon akong mga friendsna, ‘Ay, grabe, ‘yung ano ko, 20k ko naging 50k’, so parang okay.

“Pero learn how to stop, ‘di ba? Parang ito dapat for fun ‘to, dapat makakatanggal ‘to ng stress sa atin, ‘pag masyadong ‘yung heavy work load, ‘pag masyado tayong stressed, hindi siya dapat nagiging cause ng stress.

“So sabi ko sa kanila parang ano lang din ‘yan ha, pumarty ka tapos uminom ka ng one glass of wine, tapos na-feel mo okay pa ako, puwede pa akong magdagdag ng isa pang glass.

“‘Pag na-feel mo na hindi ka na makakauwi, then stop na

“Parang ganoon lang din siya eh, para sa akin, opinyon ko po ‘yun and iba-iba naman tayo ng opinyon.

“For me, walang ipinagkaiba yun sa ‘mga nakikita nating mga bagay, na puwedeng malulong ang mga tao at mapunta sila sa madilim na mundo, ‘di ba?

“For me, walang masama, kung gusto mo ‘yun, at doon ka masaya. At lagi kong sinasabi, ‘Mayaman ka ba?’, ‘May extra ka ba?’

“Eh ‘di go, kung hindi, ay no! Lagi ko po ‘yun sinasabi sa kanila, ‘yun. Hindi naman po ako ano, hindi naman po… for sure and mine-make sure ko sa kanila na hindi ako magiging cause ng downfall ng isang tao, just because mayroon akong ine-endorse na online games.

“Doon pa rin tayo sa ano, may good cause dapat.”

Ang CC6 Online Casino na may 700,000 daily active users ay kinilalang “Most Trusted Online Casino” at “Top Responsible Gaming Platform.”

Samantala, ang FunBingo, na may 40,000 daily users, ay pinarangalan ng “Outstanding Community Service Award” dahil sa adbokasiya nila na tumulong sa komunidad.

Ang CC6 at FunBingo ay parehong PAGCOR-certified at kinikilala ng Malta Gaming Authority and Gaming Curaçao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …