Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zela Bilib Waterbomb Festival

 Zela at Bilib magpe-perform sa Waterbomb Fest

IBA talaga ang talentong Pinoy!

Sa unang pagkakataon ay may mga FilipIno musical artist na kasali para mag-perform sa sikat na Waterbomb Festival.

Ang mga mapapalad na ito ay ang solo female artist na si Zela at ang boy group na Bilib na kapwa mina-manage ng AQ Prime Music.

Unang beses na gagawin ang naturang musical festival sa Pilipinas at pinakauna ring mga Pinoy na mapapasali sa malaking event na ito sina Zela at ang Bilib.

Taong 2015 nagsimula ang Waterbomb Festival sa South Korea na nilahukan ng mga popular na Korean artists at naging tradisyon na sa South Korea tuwing sasapit ang summer.

Ang kaibahan ng concert na ito sa ibang shows? Habang ongoing ang mga performances ay nagbabasaan ang lahat, yes, ang performers at mga manonood na gamit ang mga water guns at water cannons.

Kaya naman lahat ay basam-basa habang nagkakasiyahan sa mga production number.

Gaganapin ito sa February 22 at 23 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.

Ang Bilib ay binubuo nina Yukito Kanai, Clyde Ballo, Zio dela Paz, Rafael Mumar, RC Coronel, Jmac Sangil, at Carlo Samson.

At ayon sa spokesperson ng grupo na si Yukito, “We’re so thrilled na kami po iyong isa sa mga napili po nila together with Zela po sa Act 4, Waterbomb po.

“Super thankful po kami, super-honored to be performing for Waterbomb po.”

Winner nga pala ang Bilib sa 16th PMPC Star Awards for Music noong Oktubre 2024 bilang New Male Group Artist of the Year para sa kanta nilang Kabanata.

Bukod sa kanil, ang isa rin sa mga Filipino na magpe-perform sa Waterbomb ay ang Sparkle artist na si Thea Astley.

Kasama rin sa mga inaasahang magpe-perform ngayong Sabado at Linggo sa Waterbomb Festival ay sina Dynamicduo, Epik High, Kim Jong-kook, Chanyeol ng EXO,  Baekho ng NU’ESTHwasa, B.I, Kwon Eun-bi, Lee Chae-yeon, STAYC, Roots, ZB & ATION, J.E.B, IMLAY, APRO, Raiden, Kang Daniel, Skull & Haha, Jessi, Sunmi, Hyolyn, Gray, Oh My Girl, VIVIZ REDDY, Yang Se-chan, U-kwon, INSIDECORE, SIENA GIRLS, Aster & Neo, 2SPADE, Mar Vista, at Kenet. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …